^

Dr. Love

Crush ng bayan

-

Dear Dr. Love,

Ako po si Millen,14-anyos at isang high school student. Mayroon akong crush sa school. Matangkad at super-guwapo po.  Kung tawagin nga po siya ay crush ng bayan.

Ang galing pa niya sa basketball at lagi ko siyang pinapanood kapag may PE. Magkahiwalay ang boys at girls department sa amin.

Kaso po, nabalitaan ko na girlfriend na niya ang isang classmate ko. Kaya pala kahit ano’ng gawin ko hindi niya ako pinapansin.

Masakit pala ang ganito. Pero talagang  crush na crush ko po siya. Ano kaya ang dapat kong gawin para mapansin niya ako?

Millen

Dear Millen,

Kung may siyota na ang crush mo, huwag mo nang ipilit ang sarili mo. Kasi iha,  magmumukha kang chipipay.

Isipin mo na lang na hindi ikaw ang nawalan kundi siya. Dapat  may pagpapahalaga ka sa sarili mo.

Isa pa, bata ka pa para sumeryoso sa pag-ibig. Wika nga, ngayon ka pa lang nagdadalaga.

Hindi mainam sa isang babae na siya ang gagawa ng paraan para ma-attract ang lalaki. Ang lalaki lagi ang nanliligaw. At dapat masaya kayong mga babae dahil kayo ang pinipili, hindi ba?

Magseryoso ka muna sa pag-aaral. Okay lang magka-crush dahil natural iyan pero unahin mo muna ang pinaka-importante and that is your education.

Dr. Love

vuukle comment

ANO

DEAR MILLEN

DR. LOVE

MILLEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with