Dear Dr. Love,
My warmest greetings to all the staff of PSN. Kumusta ka na Dr. Love? I hope you’re in the best health condition.
Simply call me Rita. That’s not my real name pero diyan mo na lang ikubli ang pagkatao ko. Matagal na akong sumusubaybay sa kolum na Dr. Love.
Victim ako ng child abuse noong limang taong gulang pa lang ako. Single parent noon ang nanay ko at nagpasyang makipag-live-in sa isang lalaki na siyang nang-abuso sa akin.
Hanggang walong taong-gulang ako ay madalas akong pagbuhatan ng kamay ng aking stepfather. Hindi lang iyan ang nangyari. Ni-rape pa ako ng aking stepfather at nang ito’y malaman ng nanay ko, siya na ang naghabla sa tatay ko na hangga ngayo’y nakakulong pa.
Nagpapasalamat ako sa Diyos at nakapag-aral ako at nagtapos ng Computer Secretarial dahil pinalad akong makakuha ng scholarship. Ang problema ko ay takot akong magka-boyfriend dahil hindi na ako virgin. Maraming nanliligaw sa akin pero wala akong ibig sagutin dahil sa kalagayan ko.
Ano ang dapat kong gawin?
Rita
Dear Rita,
Kung may napupusuan ka sa mga manliligaw mo, huwag kang matakot makipagrelasyon basta’t tiyakin mong hindi ka lang paglalaruan. Dapat maging matalino ka sa pagpili ng boyfriend.
Makabubuti rin na sa mapipili mong lalaki, ipagtapat mo ang karanasan mo. Hindi mo kagustuhan na mawala ang iyong virginity kundi biktima ka lang ng malupit na pangyayari.
I know mauunawaan ka ng lalaki kung mahal ka niyang talaga.
Dr. Love