^

Dr. Love

Kay lupit ng kapalaran

-

Dear Dr. Love,

 Fourth year high school nang pumanaw ang ma­hal kong ama na  isang prison guard sa Davao Penal Colony sa Dapecol, Davao del Norte. Nai­wa­nan kami ng Mama ko sa Luzon at pamin­san-minsan lang kami nagkikita noon.

Hindi namin nalaman agad na  nagkaroon pala ang Papa ko ng mga anak sa ibang babae. Malu­wag kong tinanggap na may mga kapatid ako sa labas, sina Rosally at Pipot Ang.

Gusto kong maki­lala ang mga kapatid ko sa labas kaya nagtungo ako sa Davao del Norte. Ngu­nit  hindi ko agad sila nakita.

Minabuti kong maghanap ng trabaho at  natang­gap ako bilang isang security guard sa Limso Hos­pital. Dito ko nakilala ang ba­baeng nagpatibok ng aking puso. Naging mailap pa rin sa akin ang kapa­laran dahil kinidnap ng mga bandido ang girlfriend ko, ni-rape at pinatay.

Araw at gabi kong iniyakan ang trahedyang ito sa aking buhay. Makalipas ng tatlong taon, naka-re­cover ako at naging empleyado ng Davao City Hall. Dito ay nakakilala ako ng babae na muling  nag­­­patibok sa aking puso.

Pero kay laking malas ko  dahil minsang umuwi ako nang maaga mula sa trabaho, nahuli ko siya sa akto na nakikipagtalik sa ibang lalaki.Tuma­likod na lang ako bago magdilim ang aking pa­ningin at may magawang hindi maganda sa kanila.

Pinutol ko noon din ang ugnayan namin ni Bren­da. Minabuti ko na lang na ituon ang pansin sa pag­­­­­hahanap ko sa aking mga kapatid sa ama. Ngu­­­nit nanatili pa rin akong bigo at  unti-unti akong nawalan ng pag-asa.

Minsan, naisip kong tumigil na muli sa trabaho at umuwi na sa Luzon. Ngunit bago ko naisakatu­pa­ran ang aking plano, nakapatay ako tao, isang ka-empleyado ko sa City Hall na pina­mamahayan ng inggit sa akin.

Ngayon, naririto ako sa piitan sa Dapecol. Ang hindi ko inaasahan, dito ko lang pala matatagpuan ang aking half sister na si Rosally na isang em­pleyado ng Davao Prison and Penal Farm at ang half brother ko ay nandito rin sa Dapecol pero isa siyang pipi at bingi.

Nahihiya  akong magpakilala kay Ma’m Rosally dahil magkaiba ang ginagalawan naming daigdig. Isa akong bilanggo samantalang siya ay isang nire­respetong empleyado. Wala akong lakas ng loob na magpakilala sa kanila. Ano po ba ang dapat kong gawin?

Sana po, magkaroon ako ng mga kaibigan sa pa­nulat na makakaunawa sa aking sitwasyon.

Lubos na gumagalang,

Ronnie M. Ang

Maximum Compound,

8105DPPF, Dapecol,

Davao del Norte

 

 

Dear Ronnie,

Matagal mong pinaghahanap ang mga kapatid mo sa labas at ngayong natagpuan mo na sila, hin­di mo naman magawang magpakilala at kilala­nin ka nila bilang half brother. Humanap ko ng magandang tiyempo na mag­pakilala sa kanila kahit nasa ganyan kang kala­gayan. Kung hindi man nila kilalanin bilang kapa­tid,  at least naipaabot mo sa kanila ang iyong inten­siyon.

 Huwag mong ikasasama  ng loob kung anu­man  ang maging reaksiyon nila sa iyong hangarin. Ang pagkakapasok mo sa bilangguan ay bahagi ng iyong paghahanap sa kanila.

Hangad ng pitak na ito na maisakatuparan mo ang layuning makausap ang iyong mga kapatid sa ama. Magkaroon ka rin sana ng mga kaibigan sa panulat.

Dr. Love

DAPECOL

PLACE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with