Dr. Love,
My warmest greetings to you as well as your many readers. Just call me Olive, a 4th year Masscom student.
Sumulat ako sa iyo para ikonsulta ang isang problema ko. I’m secretly married to my boyfriend. Last year, nagpunta kami sa isang town mayor para magpakasal. Tiyo kasi ng best friend ko ang Mayor.
Pinangaralan muna kami ng Mayor na ang kasal ay panghabambuhay at dapat nakaseseguro kami na talagang desididong maging lifetime partner. Nagseminar muna kami bago kami maikasal.
Nagkasundo kasi kami ng boyfriend ko na magtatapos muna ng pag-aaral. Hindi namin sinabi sa mga parents namin ito dahil pareho naman kaming nasa legal age.
Pero ngayon, may nanliligaw sa akin na mas type ko. Maaari kayang mapawalang-bisa ang kasal ko sa aking boyfriend? Palagay ko’y hindi ito problema sa aking boyfriend dahil sa tingin ko’y nagsisisi rin siya sa aming ginawa.
Olive
Dear Olive,
Sa pagkaalam ko, estrikto na ngayon sa mga patakaran sa pagpapakasal. Ewan ko kung bakit ganyan kayo kadali naikasal ni Mayor.
At any rate, kung hindi fake ang kasal ninyo, binding iyan at nasa public records na pati sa National Census and Statistics.
Kung totoo ang sinasabi mong nasa legal age kayo pareho at hindi pineke ang inyong edad, for all intents and purposes, kasal kayo sa batas.
Pero dahil sa attitude n’yo ngayon na tila kapwa kayo nagsisisi ng iyong boyfriend sa ginawang pagpapakasal, palagay ko’y isang ground iyan para maipa-annul ang kasal. Hindi ako abogado kaya ang pinakamainam ay kumonsulta kayo sa abogado nang malaman ang tamang hakbang na gagawin.
Dr. Love