^

Dr. Love

Secret marriage

-

Dr. Love,

My warmest greetings to you as well as your many readers. Just call me Olive, a 4th year Masscom student.

Sumulat ako sa iyo para ikonsulta ang isang problema ko. I’m secretly married to my boyfriend. Last year, nagpunta kami sa isang town mayor para magpakasal. Tiyo kasi ng best friend ko ang Mayor.

Pinangaralan muna kami ng Mayor na ang kasal ay panghabambuhay at dapat naka­seseguro kami na talagang desidi­dong maging lifetime partner. Nagse­minar muna kami bago kami maikasal.

Nagkasundo kasi kami ng boyfriend ko na magtatapos muna ng pag-aaral. Hindi namin sinabi sa mga parents namin ito da­hil pareho naman kaming nasa legal age.

Pero ngayon, may nanliligaw sa akin na mas type ko. Maaari kayang mapawa­lang-bisa ang kasal ko sa aking boyfriend? Pala­gay ko’y hindi ito problema sa aking boy­friend dahil sa tingin ko’y nagsisisi rin siya sa aming ginawa.

Olive

 

Dear Olive,

Sa pagkaalam ko, estrikto na ngayon sa mga patakaran sa pagpapakasal. Ewan ko kung bakit ganyan kayo kadali naikasal ni Mayor.

At any rate, kung hindi fake ang kasal nin­yo, binding iyan at nasa public records na pati sa National Census and Statistics.

Kung totoo ang sinasabi mong nasa le­gal age kayo pareho at hindi pineke ang in­yong edad, for all intents and purposes, kasal kayo sa batas.

Pero dahil sa attitude n’yo ngayon na tila kapwa kayo nagsisisi ng iyong boy­friend sa ginawang pagpapakasal, pala­gay ko’y isang ground iyan para mai­pa-annul ang kasal. Hindi ako aboga­do kaya ang pinakamainam ay kumon­sulta kayo sa abogado nang mala­man ang tamang hakbang na gagawin.

Dr. Love

DEAR OLIVE

DR. LOVE

NATIONAL CENSUS AND STATISTICS

PERO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with