Lasenggo at babaero na, umbagero pa
Dear Dr. Love,
Bayaan mong ipakilala ko muna ang aking sarili. Ako po si Rita, 40-anyos, may asawa at tatlong anak. Problema ko ang asawa kong babaero at lasenggo. Masyado na akong nagpakamartir sa kanya.
Ang masama pa, kapag sobra siyang lasing, inuumbag niya ako pagdating ng bahay. Five years ago, hindi naman siya ganyan.
Nagsimula ito magmula lang nang dumating sa aming lugar ang isang kapitbahay na naging kabarkada. Lagi silang gumigimik kapag araw ng suweldo. Natutong mambabae at maglasing ang asawa ko.
Minsang ginulpi niya ako, nagkaroon ako ng blackeye. Lumayas ako at umuwi sa aming probinsiya sa Bulacan kasama ang aking mga anak.
Pati mga anak ko ay sagad na rin sa kanya at ayaw nang umuwi. Isang buwan na akong naglayas pero hangga ngayo’y hindi ako sinusundo. Hindi na kaya niya ako mahal?
Pagpayuhan mo ako, Dr. Love.
Rita
Dear Rita,
Kung ako ikaw, magsasaya ako dahil hindi na ako sinundo ng isang asawang brutal.
Nagtataka ako sa iyo. Ginugulpi ka na nga ng asawa mo at kinakaliwa ay naghihintay ka pa ng sundo? Ipagdasal mo na lang na
Samantala, magsumikap ka na lang muna na maitaguyod ang iyong tatlong anak. Kayang-kaya mong mabuhay nang wala ang iyong asawa. Mabuti ang may katuwang sa buhay pero kung kagaya lang siya ng iyong mister, huwag na lang.
Dr. Love
- Latest
- Trending