^

Dr. Love

Isinumpa ang mga lalaki

-

Dear Dr. Love,

Harinawang datnan ka ng sulat kong ito na nasa mabuting kalagayan. Tawagin mo na lang akong Myrah, 40-anyos.

Dalaga pa ako hangga ngayon. Magtataka ka siguro kung bakit. Kasi masaklap ang kara­nasan ko sa mga lalaki.

Una akong nagka-boyfriend noong 20- anyos ako. Matanda siya sa akin ng limang taon at ibinigay ko ang buong pagtitiwala ko sa kanya. Pero matapos niyang makuha ang aking pag­ka­babae ay iniwanan ako.

Ganyan din ang karanasan ko sa tatlo pang ibang naging boyfriends ko. Mula noon ay isi­numpa ko na ang mga lalaki.

Pero ngayon ay may nanliligaw sa akin. Isa siyang biyudo at 56-anyos.  Ewan ko ba pero pa­rang nahuhulog ang loob ko sa kanya. Pero sa tuwing naaalala ko ang masaklap kong ka­ranasan sa lalaki, parang  ayaw ko nang pu­ma­­sok sa ano mang relasyon.

Tulungan mo ako Dr. Love kung ano ang mabuti kong gawin.

Myrah

 

Dear Myrah,

Bigyan mo ng pagkakataon ang iyong sarili sa larangan ng pag-ibig. Huwag mong bayaan na ang mga nauna mong mapait na karanasan ay magpatigil sa pag-inog ng mundo mo.

Marahil, iniiwanan ka ng mga lalaking naging bahagi ng buhay mo dahil lagi mo na lang ibini­bigay nang buo ang iyong sarili. Sana’y naging aral sa buhay mo iyan.

Tungkol sa biyudong manliligaw mo, sa edad niya ngayon ay hindi na marahil siya manloloko ng babae. Gayunman, idaan mo pa rin siya sa pag­subok at kung talagang mahal mo siya, wa­lang masamang sagutin mo siya at pakasalan.

Dr. Love

vuukle comment

DEAR MYRAH

DR. LOVE

MYRAH

PERO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with