^

Dr. Love

Tatlong kasintahan

-

Dear Dr. Love,

Masayang pagbati ang ipinararating ko sa iyo. Nagpasya akong sulatan ka dahil sa mabigat kong problema. Ito’y tungkol sa tatlo kong kasintahan. Tawagin mo na lang Brandon, 23 anyos.

Hindi nagkakaalaman ang tatlo kong girlfriend dahil sila’y mula sa iba’t ibang dako ng Metro Manila. May isang taga Novaliches, isang Malabon at ang isa’y sa Paranaque.

Pareho-pareho ko silang gusto pero parang mas type ko si Iris. Mayaman ang pamilya nila at isa siyang kolehiyalang nag-aaral sa isang exclusive school. Si Iris ay mahinhin kahit mayaman at napakabait at malambing sa akin. Iyan ang katangian niyang nagustuhan ko.  Yung dalawa sa kanila ay type ko rin pero parang past time lang.

Si Elba ay nagtatrabaho sa call center at may pagka-conservative. Ni ayaw makipag-date sa sine. Gusto ay puro kain lang. Saman­talang si Cheska ay estudyante ring gaya ni Iris pero masyadong liberated.

Sumulat ako para hingin ang opinion mo. Sino sa kanilang tatlo ang dapat kong piliin?

Tulungan mo sana ako Dr. Love.

Brandon

Dear Brandon,

Sumulat ka ba para humingi ng payo o ipagyabang ang pagka playboy mo? Simple lang kasi ang sagot sa tanong mo eh. Sabi mo si Iris ang mas type mo sa tatlo. Eh ’di siya ang piliin mo.

Baka makarma ka sa ginagawa mo. Buti pa tapatin mo na ang dalawa at palayain para may chance naman silang makahanap ng totoong magmamahal sa kanila.

Dr. Love

vuukle comment

DEAR BRANDON

DR. LOVE

METRO MANILA

SI ELBA

SI IRIS

SUMULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with