^

Dr. Love

Prayoridad ang pamilya

-

Dear Dr. Love,

I have been an avid reader of your column for the past five years. Salamat sa maga­gandang kasaysayan at payong itinatampok mo para sa mga may problema sa pag-ibig na katulad ko.

Sasarilinin ko na lang sana ang proble­mang ito pero kailangan ko lang ang mahi­hingahan para maglubag ang dibdib ko.

Tawagin mo na lang akong Abner, binata at isang empleyado sa isang customs brokerage. Mayroon akong kasintahan. Ta­wagin mo na lang siyang Elsie.  Limang buwan na ang aming relasyon. Isa siyang sekretarya sa kompanyang pinaglilingkuran ko. Mahal ko siya.

Pero nabalitaan ko na may lihim na relasyon siya sa aming boss. May edad na ang boss namin at may asawa’t mga anak. Nang tanungin ko si Elsie, matagal bago siya umamin. Pero sabi niya sana ay nauuna­waan ko siya.

Ibig daw niyang mahango sa hirap.  Marami silang magkakapatid at tatlo ang pinag-aaral niya. Parehong matanda na ang kanyang mga magulang at walang trabaho kaya sa kanya umaasa ang pamilya.

Nakipag-break siya sa akin at masa­mang- masama ang loob ko. Bakit ganoon? Ano ang dapat kong gawin,  Dr. Love?

Abner

Dear Abner,

Ang dapat mong gawin ay limutin mo si Elsie. Obviously, prayoridad niya ang kanyang pamilya at handa niyang isakripisyo ang kaligayahan para sila maitaguyod.

Mali ang ginagawa niya pero igalang mo ang kanyang kagustuhan. Kalimutan mo siya at ibaling sa iba ang iyong pag-ibig. Tiyak kong makakakita ka ng iba.

Dr. Love

DEAR ABNER

DR. LOVE

ELSIE

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with