Dear Dr. Love,
Hello po, good day. Hindi ko po alam how to start writing this e-mail for you kasi medyo po nakakahiya nang kaunti. Just call me Jane and I’m already 33 years-old and single pa po. I’m working here sa Manila. Wala pa po akong asawa or anak.
My last relationship was several years ago pa. May mga nanligaw din po sa akin kaso mga bata po sila and iyong iba ay irresponsible. Some of my friends ay nirereto din ako sa mga friends nila kaso ’di ko talaga mahanap yung mga katangian ng lalaking gusto kong makasama forever.
Do you think po that I can still find yung dream boy ko? May mga guys pa po bang faithful at matitino ngayon? I hope through your column ay makahanap ako. Matagpuan ko sana ang lalaking dream boy or soulmate ko, yun pong single at walang sabit. Paki-pub lish na lang po yung e-mail address ko at umaasang makakahanap ako ng tunay na pag- ibig. More power po sa inyo and to your column.
Umaasa,
Jane
Dear Jane,
Siguro’y may sad experience ka sa lalaki kaya ka nagiging pihikan sa pagpili. Ano man iyon, kalimutan mo na at start anew. Hindi naman lahat ng lalaki ay iresponsable at mapagsamantala.
Tutal ay naisulat mo na ang e-mail address mo, umaasa akong marami ang tutugon sa iyong liham at mula sa kanila’y makakapili ka ng tamang lalaking magmamahal sa iyo nang tapat at alinsunod sa mga katangiang hanap mo.
Pero bilang word of advice, huwag mong asahang makakatagpo ka ng lalaking akmang-akma sa mga katangiang gusto mo. Nobody is perfect. Huwag ka ring magmadaling maghanap. Tama ang ginagawa mo pero don’t overdo it dahil medyo nasa boundary ka na ng pagiging old maid.
Buweno, good luck na lang.
Dr. Love