^

Dr. Love

May relasyon sa kapatid

-

Dear Dr. Love,

Isang pinagpalang araw sa iyo at sa mga palaging sumusubaybay sa iyong pitak. Tawagin mo na lang akong Almira, 21-anyos at isang estudyante.

Ampon lamang ako at iyan ay hindi ipinagkaila sa akin ng aking mga magulang. Malaki naman ang pasasalamat ko sa kanila at talagang kapwa ko sila minamahal nang parang tunay na ama at ina. Mayroon po silang isang tunay na anak. Inampon nila ako nang hindi pa siya isinisilang. Pareho kaming nasa college ng aking itinuturing na kapatid.

Matanda ako sa kanya ng dalawang taon. Ang problema ko ay ito. Nag-iibigan kami ng aking kapatid at ito’y hindi alam ng aking mga magulang. Alam kong magagalit sila sa amin kapag nalaman nila ito.

Nagkaroon na kami ng pagtatalik ng dalawang beses. Pero nangangamba ako na mabisto kami kaya sinabi ko sa kapatid ko na ihinto na namin  ang aming relasyon. Umiyak siya at ang sabi’y mahal daw niya ako.

Kaya naguguluhan ako ngayon. Dapat ba kaming magtapat sa aming mga magulang?

Tulungan mo po sana ako, Dr. Love.

Almira

 

Dear Almira,

Pareho pa kayong nag-aaral ng kapatid mo. Kung ako ang tatanungin, bagamat medyo kontrobersyal ang kalagayan ninyo, walang masama kung magkatuluyan kayo at magpakasal dahil hindi naman talaga kayo related sa dugo.

Pero talagang posibleng hindi magiging maganda ang pagtanggap ng inyong mga magulang sa inyong relasyon. Magtapos kayo ng pag-aaral at isaisantabi muna ang relasyon ninyo.

Kapag nakatapos kayo ay doon ninyo resolbahin ang problema. Marahil naman ay mauunawaan iyan ng inyong mga ma­gulang.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ALMIRA

DEAR ALMIRA

DR. LOVE

PAREHO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with