Sukob sa taon
Dear Dr. Love,
A warm Christian greetings to you. Tawagin mo na lang akong Alma, 24-anyos at nakatakda na sanang ikasal sa Mayo ng taong ito.
Everything was all set dahil
Namanhikan kamakailan ang mga magulang ng boyfriend ni Ysel at itinakda ang kasal nila nitong Mayo. Masyadong mapamahiin ang mga magulang ko. Kung puwede raw ay ipagpaliban namin ng aking kasintahan ang aming kasal sa isang taon. Masama raw ang magkasukob sa taon ng pagpapakasal sa magkapatid.
Bilang isang Christian na naniniwala sa Biblia, I don’t believe in superstition. Pero ayaw ng mga magulang ko na ituloy ang aming kasal sa taong ito. Priority raw ang aking kapatid dahil buntis at lalabas na kahiyahiya ang aming pamilya kung bigla na lamang lolobo ang kanyang tiyan nang walang asawa.
Nagalit ang boyfriend ko nang sabihin ko ang gusto ng mga magulang ko. Pinamili niya ako. Siya o ang aking mga magulang.
Naguguluhan ako ngayon Dr. Love. Tulungan mo ako.
Dear Alma,
Sang-ayon ako sa iyo. Hindi dapat maniwala sa pamahiin ang isang Kristiyano. Nasa tamang edad ka na at ang iyong boyfriend kaya kayo ang makakapagpasya niyan.
Kung lalabag kayo sa gusto ng mga magulang ninyo, magdaramdam sila o baka magalit. Pero ang galit naman ay humuhupa rin at ang higit na mahalaga ngayon ay ang relasyon ninyong magkasintahan na nagbabalak nang magpakasal.
Totoong dapat igalang ang mga magulang. Pero kung hindi Biblical ang kanilang hinihingi, puwedeng sumalansang ang isang anak.
Bilang Kristiyano, hindi tao ang dapat nating sundin palagi kundi ang Panginoong Diyos.
Dr. Love
- Latest
- Trending