^

Dr. Love

Ayaw magpakasal ng boyfriend

-

Dear Dr. Love,

Hi there and hello especially to your legions of readers pati na sa web page ng philstar.com. Una kong nabasa ang Dr. Love sa internet kaya naging curious ako at bumili ng Pilipino Star NGAYON. From then on ay   naging avid reader na ako ng aking favorite tabloid.

Tawagin mo na lang akong Emily ng Las Piñas, 31-anyos at may boyfriend. Five years na kami ng boyfriend ko pero ayaw niyang napag-uusapan ang kasal. Sa totoo lang, I want to settle down and have my own family dahil hindi na ako bata. Hindi lang minsan kong inungkat ang pagpapa­ka­sal at napansin ko na parang naiinis na siya.

Finally, nang uilitin ko uli ito kamakailan, sinabihan niya ako na kung hindi ako titigil, lalayasan niya ako.

Minsan isang linggo kung mag-date kami where we do yung bagay na ginagawa ng mag-asawa.  Ayaw rin niya na mag-live-in kami.

Kung minsan naiisip kong makipag-break pero may nangyari na sa amin at nata­takot akong mawala siya sa buhay ko. Ano ang dapat kong gawin?

Emily

 

Dear Emily,

Iyan ang hirap sa ibang babaeng tulad mo. Ibibigay ang sarili nang todo tapos mag­sisisi sa dakong huli.

Tingin ko sa boyfriend mo ay nakagapos sa pagiging binata at ayaw niyang maka­wala. Enjoy siya sa pagiging bachelor and he is not the marrying kind.

At your present age, siguro’y makinis ka pa at beauty kaya hindi ka pa niya binibi­tiwan. Pero after a while, kapag nagkaroon na ng gitla ang mukha mo, I’m almost certain na iiwanan ka niya.

Bago mangyari iyan, ikaw na ang luma­yo. Walang kuwentang lalaki iyan.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

DEAR EMILY

DR. LOVE

LAS PI

PILIPINO STAR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with