Dear Dr. Love,
Hi and hello. Hindi ako mahilig magbasa ng tabloids pero nang mabasa ko ang Pilipino Star NGAYON, lalo na ang kolum na Dr. Love, na-develop na ang aking hilig. In fact, NGAYON lang ang one and only paper na binibili namin sa pamilya.
Datnan ka nawa ng sulat ko na nasa magandang kalusugan. Please hide me under the pseudonym Michelle, 27 years- old and still single.
Ikakasal na sana ako last year pero ako ang kusang tumalikod nang malaman kong dati palang may ka-live in ang mapapangasawa ko at may isang anak. Okay sana iyon pero sa loob ng isang taon naming pagiging mag-on, hindi siya nagtapat sa akin. Lately ko lang nalaman nang naghahabol na ang babae dahil nabalitaang ikakasal na ang kanyang ex. I felt cheated kaya nakipag-break ako sa kanya. Kung noon pa sana’y nagtapat na siya sa akin, walang dahilan para talikuran ko siya.
Ngayon ay humihingi siya ng tawad and asking me to reconsider. Ewan ko ba, pero iyan ako. Kapag nalaman kong ako’y niloko ay tinatabangan na ako. Hinihimok ako ng mga kapatid ko at mga magulang na patawarin na siya. I’d like to ask your opinion. Dapat ko ba siyang bigyan ng one more chance?
Michelle
Dear Michelle,
First of all, salamat sa pagtangkilik ng iyong pamilya sa NGAYON. Nakakataba ng puso ang iyong sinabi na may mga loyal readers kaming tulad mo.
Kung ako ang tatanungin, bakit hindi? Huwag mong sabihing perpekto ka at hindi nagkakamali. One of these days, magkakamali ka rin at mangangailangan ng patawad ng iyong kapwa-tao.
I suppose nagkaila ang boyfriend mo tungkol sa kanyang dating affair dahil natatakot siyang ayawan mo siya. Ibig sabihin, mahal ka niya. The fact na niyayaya kang magpakasal ay isang patotoo na sincere ang pag-ibig niya sa iyo. Yes, give him one more chance.
Dr. Love