^

Dr. Love

One more chance

-

Dear Dr. Love,

Hi and hello. Hindi ako mahilig magbasa ng tabloids pero nang mabasa ko ang Pili­pino Star NGAYON, lalo na ang kolum na Dr. Love, na-develop na ang aking hilig. In fact, NGAYON lang ang one and only paper na binibili namin sa pamilya.

Datnan ka nawa ng sulat ko na nasa ma­gandang kalusugan. Please hide me under the pseudonym  Michelle, 27 years- old and still single.

Ikakasal na sana ako last year pero ako ang kusang tumalikod nang malaman kong dati palang may ka-live in ang mapapa­nga­sawa ko at may isang anak. Okay sana iyon pero sa loob ng isang taon naming pagiging mag-on, hindi siya nagtapat sa akin. Lately ko lang nalaman nang nag­hahabol na ang babae dahil nabalitaang ikakasal na ang kanyang ex. I felt cheated kaya nakipag-break ako sa kanya. Kung noon pa sana’y nag­tapat na siya sa akin, walang dahilan para talikuran ko siya.

Ngayon ay humihingi siya ng tawad and asking me to reconsider. Ewan ko ba, pero iyan ako. Kapag nalaman kong ako’y niloko ay tinatabangan na ako. Hinihimok ako ng mga kapatid ko at mga magulang na pata­warin na siya. I’d like to ask your opinion. Da­pat ko ba siyang bigyan ng one more chance?

Michelle

 

Dear Michelle,

First of all, salamat sa pagtangkilik ng iyong pamilya sa NGAYON. Nakakataba ng puso ang iyong sinabi na may mga loyal readers kaming tulad mo.

Kung ako ang tatanungin, bakit hindi?  Hu­­wag mong sabihing perpekto ka at hindi nagkakamali. One of these days, magka­ka­mali ka rin at mangangailangan ng pata­wad ng iyong kapwa-tao.

I suppose nagkaila ang boyfriend mo tungkol sa kanyang dating affair dahil nata­takot siyang ayawan mo siya. Ibig sabihin, mahal ka niya. The fact na niyayaya kang magpakasal ay isang patotoo na sincere ang pag-ibig niya sa iyo. Yes, give him one more chance.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

DATNAN

DEAR MICHELLE

DR. LOVE

MICHELLE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with