^

Dr. Love

Ipinagpalit

-

Dear Dr. Love,

Umaasa ako na maitatampok mo ang aking sulat at mabibigyan mo ako ng payo sa mabigat kong problema sa pag-ibig. Itago mo na lamang ako sa alyas na  Jake, isang bahista sa isang banda na tumutugtog sa maliit na club.

Girlfriend ko ang lead vocalist sa aming banda. Isang taon na ang aming relasyon at nagli-live-in na kami.

Nang mamatay sa isang aksidente ang aming drummer, siya ay pinalitan ng isang galing pa raw sa Japan.

Napansin ko na mula nang maging miyembro namin ang drummer na ito, naging close sila ng aking girlfriend.

Hanggang sa dumating ang araw na nakipag-break na sa akin ang girlfriend ko. Natuklasan kong may relasyon na sila ng bago naming drummer.

Masama ang loob ko at walang kaabug-abog kong sinuntok ang aming drummer. Nagpambuno kami at kung hindi kami inawat ay baka napatay ko siya. Idinemanda ako ng aming drummer dahil sa pangyayari pero naayos din ang gulo sa areglo.

Pinilit kong tanggapin ang katotohanang ipinagpalit na ako ng aking siyota. Pero kahit dalawang buwan na ang lumipas, dama ko pa rin ang matinding sama ng loob. Apektado ang aking performance dahil lagi akong lango sa alak at droga.

Binantaan ako ng manager ng aming banda na papalitan ako  kung hindi ako magbabago. Pero hindi ko magawang manumbalik sa dati dahil hangga ngayo’y nagdurugo ang puso ko. Ano ang dapat ko ng gawin?

Jake

 

Dear Jake,

Masakit talaga iyan lalo pa’t lagi kayong nagkikita ng iyong ex at magkasama pang nagpe-perform sa inyong banda.

Kahit masakit, tanggapin mo na ang katotohanan. Kung hindi mo maibabalik sa katinuan ang iyong sarili, mas mabuting mag-resign ka na lang imbes na masisante ka. Marahil naman ay makakatagpo ka ng bagong bandang sasalihan. Higit sa lahat, naniniwala akong makakatagpo ka rin ng bagong pag-ibig. Huwag mong wasakin ang iyong sarili sa pamamagitan ng droga at alak dahil ikaw ang talo. Bigo ka na nga sa pag-ibig, sisirain mo pa ang iyong kalusugan. Face the truth.

All is fair in love and war, wika nga. Mas masakit siguro iyan kung kasal ka sa iyong ex. Bayaan mong maghilom ang iyong sugat sa pamamagitan ng iyong kusang paglayo.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

AMING

DEAR JAKE

DR. LOVE

IYONG

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with