Impotent
Dear Dr. Love,
Una’y ipinaaabot ko ang isang mainit na pagbati sa iyo. Medyo nakakahiya ang problema ko kaya itago mo na lang ako sa alias na Lupaypay.
Forty-five years-old na ako at ang problema ko ay tungkol sa hindi na pagtindig ng aking pagkalalaki. Habang isinusulat ko ito, tatlong buwan na ang aking problema. Dati’y hindi naman ako ganito. Hindi rin ako nambababae dahil faithful ako sa aking asawa.
Pareho kaming sexually active ng misis ko bago nangyari sa akin ang ganito kaya ako’y nagwo-worry na baka humanap ng ibang pag-ibig ang aking misis.
Ang misis ko ay 34-anyos lang at hindi man niya sabihin, naaawa ako sa kanya. Hindi ko na maibigay sa kanya ang init ng pakikipagtalik.
Kung minsan ay nairaraos ko ito pero hindi na tulad ng dati. Pilit na pilit at halatang nabibitin ang aking asawa.
Natatakot akong sumubok ng Viagra dahil sabi ng iba ay masama raw ito sa may heart condition. May bahagya akong sakit sa puso.
Sinasabi sa akin ng misis ko na okay lang at naiintindihan niya ako pero ayokong magkulang sa kanya. Ano ang dapat kong gawin?
Lupaypay
Dear Lupaypay,
Hindi ako medical doctor pero sa pagkaalam ko, maraming kaso ang impotency. Isa na rito ang pagiging diabetic o kaya, kung nagte-take ka ng gamot sa hypertension, posibleng maapektuhan ang iyong function sa pakikipagtalik.
Huwag ka sa akin sumangguni kundi sa medical doctor. Iwasan mo rin ang self-medication dahil baka mapasama lalo ang kalagayan mo.
In the meantime, huwag mong isipin na kakaliwain ka ng misis mo dahil lang sa kakulangan mo sa sex. Ang mag-asawa ay dapat magsama sa hirap at ginhawa at ang sex ay isa lang maliit na sangkap ng relasyon ng kahit maglaho ay hindi dapat makawasak sa pagsasama.
Love is the most important thing in marriage.
Dr. Love
- Latest
- Trending