Saksi sa kataksilan ng kanyang ina
Dear Dr. Love,
Tawagin mo na lang akong Michelle, 18-anyos. Ang father ko ay isang negosyante at madalas ay nasa ibang bansa at dumadalo ng mga business conference. Ako naman ay isang college student at nag-iisang anak. Bata pa ang mga parents ko. Ang Mommy ko ay 36-anyos at ang Daddy ko ay 44-anyos.
Minsan ay nagpaalam ako sa aking Mommy dahil mayroon kaming excursion sa Tagaytay. Ang meeting place namin ay sa aming eskuwela.
Pagdating ko sa eskuwela namin ay nalaman kong nakansela ang excursion dahil namatay sa stroke ang aming professor. Bumalik agad ako sa bahay.
Pagpasok ko sa aming bahay, kitang-kita ko si Mommy at ang kanyang lover na magkayakap at naghahalikan sa mismong salas ng aming tahanan. Nagulat sila nang biglang bumukas ang pintuan at nakita kong nanlaki ang mga mata at napanganga si Mommy.
Nagtatakbo akong palabas. Nagpunta ako sa best friend ko at isang linggo na akong hindi umuuwi sa amin. Kahit sa best friend ko ay hindi ko masabi ang aking problema. Nahihiya na nga ako sa mga magulang niya.
Ano ang dapat kong gawin? Nasa
Michelle
Dear Michelle,
Umuwi ka sa inyo at makipag-dialogue sa iyong Mommy. Alam kong napakabata mo para sa ganyang kalaking problema pero wala kang choice. May mga pagkakataon na ang bata pa ang dapat magsilbing gabay ng mga nakatatandang naliligaw ng landas.
Sa pakikipag-usap mo sa kanya, magkaroon ka ng hinahon at alamin kung ano ang pinag-uugatan ng problema ng iyong ina. Pakiusapan mo siya bilang anak na ipreserba ang inyong pamilya sa pamamagitan ng paglayo sa kanyang lalaki.
Umiyak ka sa kanya na animo’y maamong tupang nakikiusap. Marahil mababagabag ang kanyang damdamin sa luha ng kanyang anak at tatalikdan na niya ang kanyang “other man”.
Pero huwag mo munang ibunyag ito sa iyong ama at baka maging marahas siya sa pagharap sa iyong nagkamaling ina. You try to play cupid for the reconciliation of your Mom and Dad. Baka naman nagkukulang ng panahon ang iyong ama sa iyong ina dahil abala sa negosyo.
In the same way, makiusap ka sa iyong ama na maglaan ng quality time para sa inyong mag-ina. I wish your family all the best at sana’y magkaroon kayo ng happy ending.
Dr. Love
- Latest
- Trending