^

Dr. Love

Biyudo ang boyfriend

-

Dear Dr. Love,

Bayaan mo munang batiin kita kasama ang mga mahuhusay mong staff ng isang mabiyayang araw. Tawagin mo na lamang akong Romina, 25-anyos at may kasintahan.

Ang kasintahan ko ay 34-anyos at isang biyudo na may tatlong anak. Tawagin mo na lang siyang Ramir.  Batang nag-asawa ang boyfriend ko at bata rin nang mabiyudo. Namatay ang kanyang misis sa pagsisilang ng kanilang bunso.

Bago ko sagutin si Ramir  ay ipinagtapat na niya sa akin ang lahat. Pero sa kabila nito, minahal ko pa rin siya. Tutol ang aking mga magulang. May mga kaibigan din akong tumututol sa aming relasyon.

Sabi nila, baka magkaroon ng kompetis­yon ang aming magiging anak sa mga anak niya. Pero siniguro naman sa akin ng boyfriend ko na magiging patas ang pagti­ngin niya sa lahat ng kanyang mga anak at wala siyang itatangi. At sa palagay ko, kaya ko namang mahalin ang kanyang mga anak sa unang asawa niya gaya ng pagmamahal ko sa aming magiging anak.

Sabi ng mga magulang ko, kahit tutol sila’y wala silang magagawa sa ano mang kagustuhan ko. Pero medyo nagi-guilty ako sa sinabi nila. Dapat ko ba silang sundin?

Romina

 

Dear Romina,

Ang tungkulin lang ng magulang ay gu­mabay at magpayo sa anak. Pero sa mga personal na desisyon, lalo pa’t ang anak ay nasa wastong gulang na, ang anak ang dapat masunod.

Sa kaso mo, future mo ang nakataya. Kung tunay mong mahal si Ramir sa kabila ng kanyang pagiging biyudo at pagkakaroon ng mga anak, walang masama kung sa kan­ya ka magpapakasal. Tiyakin mo lang na ma­papanindigan mo ang iyong sinabi na ka­ya mong mahalin ang mga anak niya sa unang asawa. Kung hindi, malamang ay ma­ging dahilan ng inyong pagtatalo ang sarili ninyong mga anak.

Kung susunod ka naman sa iyong mga ma­gulang pero magiging miserable ang iyong buhay sa pag-aasawa ng iba, mala­mang sila ang sisihin mo pagdating ng araw. Binigyan tayo ng Diyos ng sariling talino para magpasya kung ano ang tama at mali. Tim­bangin mo ang sitwasyon bago ka gumawa ng desisyon and then go for it.

Dr. Love

ANAK

DR. LOVE

PERO

RAMIR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with