Selosa ang girlfriend
Dear Dr. Love,
A very warm greetings to you. My name is Abner, an Electrical Engineering student. Sumulat ako dahil sa problema ko sa siyota kong si Marisse na sobrang selosa.
We have been on for almost six months now. Habang nagtatagal, lumalabas ang kanyang pagka-demanding. Gusto niyang lagi ko siyang inihahatid at sinusundo sa kanilang bahay. Kapag hindi ko nagawa ang gusto niya, iisipin niyang may iba akong babaeng ini-entertain.
Gusto kong gawin ang gusto niyang hatid-sundo pero may iba akong obligasyon. I’m a working student and sometimes, my schedule runs in conflict with the time na gusto niyang magpasundo o magpahatid.
Kung minsan, I feel na she is demanding for the impossible dahil gusto na niya akong i-dump. Ewan ko, baka nagkakamali ako ng iniisip.
There was a time nang sinamahan kong mamili sa isang mall ang aking kapatid na babae. Nakita pala niya kami at nang magkita kami, ito’y isinumbat niya sa akin. Ayaw niyang maniwalang kapatid ko ang kasama ko. Dr. Love, she’s unreasonable.
Mahal ko si Marisse pero nakakairita kung minsan. Ano ang dapat kong gawin?
Abner
Dear Abner,
Isama mo siya sa inyong bahay at ipakilala sa iyong mga magulang at kapatid. Mabuti na’ng magkakilakilala sila para mapawi ang ano mang pagdududa niya sa iyo.
Sikapin mong mabigyan siya nang assurance na mahal mo siya at hindi mo siya ipagpapalit kanino man. May mga tao talaga na sobra ang pagkaseloso o selosa.
Give her a chance na magbago. At kung talagang mananatili ang kanyang pagiging mapanibughuin, siguro it’s time for you to rethink your standing. Okay ang magselos pero kung ito’y nakakarating sa point of unreasonableness, malamang makaapekto ito sa inyong future relations as husband and wife.
Dr. Love
- Latest
- Trending