Sariwang damo sa gurang na kabayo

Dear Dr. Love,

A very pleasant day to you. Just call me  Her­minio. I am already 74 years-old pero ma­ta­tag pa sa laban. Wika nga, hindi ko pa nararanasan ang mag-take ng sinasabi nilang Viagra.

Ang negosyo ko ay junk. Namimili ako ng mga scrap metals at anumang bagay na luma na pero puwede pang maibenta. Hu­wag maliitin. Dahil sa negosyong ito’y na­kabili ako ng maraming lupain sa Quezon at nakapagpatayo ng malapalasyong bahay. May 20-milyong piso ako sa banko bukod pa sa mga ari-ariang naipundar ko.

Hindi mo naitatanong pero kahit matanda na ako, sasabihin mong nasa 50-anyos pa lang ang edad ko.  Siguro pagdating sa sex ay maipapantay ko ang sarili ko sa isang 30-anyos lang.

May girlfriend ako ngayon. Hindi ka siguro maniniwala pero 19-anyos lang siya.  Isang taon na kami at lagi kaming nagdi-date sa motel. I know mahal niya ako kaya sunod na sunod sa akin ang lahat ng layaw niya.  Kamakailan ay natapos na ang maliit na bungalow na ipinatayo ko para sa kanya at sa kanyang mga magulang. Mahirap lang kasi sila at kaligayahan kong tulungan ang pamilya ng babaeng mahal ko.

Gusto ko nang pakasalan ang siyota ko pero tutol ang mga anak ko. Sobra-sobra na raw ang pabor na ibinigay ko sa kanya at sa pamilya niya. Iniisip ko rin na baka pera ko lang ang hangad ng siyota ko at kung mawawala ako, mababawasan ang parte ng aking tatlong anak. Pagpayuhan mo nga ako.

Herminio

Dear Herminio,

Nasa iyo ang pasya. Kung mahal mo ang babae, hindi mo pagdududahan ang motibo niya sa iyo. Tutol man ang iyong mga anak, ikaw ang makikisama at hindi sila. Marahil nga ay takot silang mabawasan ang mana nila.

Lampas-lampas ka na sa tamang edad at siguro, ako ang kailangang humingi ng payo sa iyo sa gulang mong 74. Pero yamang hinihingi mo ang opinion ko, hang­ga’t nagdududa ka sa tunay na damdamin ng kasintahan mo sa iyo at hinihinalang pera mo lang ang gusto niya, huwag kang magpakasal. Pero kung naniniwala kang siya’y tapat at mapagkaka­tiwalaan, go for it at ituloy mo ang plano. Be happy for the remainder of your life. Hindi ka paliligayahin ng puro pera lang.

Sabi mo’y P20-milyon ang asset mo sa banko at marami kang lupain at ari-arian. Bakit kailangang matakot ang iyong mga anak na mapartehan ng kaunti ang magiging stepmom nila?  Kasuwapangan iyan.

Dr. Love

Show comments