Seloso si mister

Dear Dr. Love,

Warm greetings to you and to your millions of avid readers. Sana’y abutan ka ng sulat ko na nasa magan­dang kalagayan at malayo sa lahat ng karam­ daman.

Tawagin mo na lang akong Lorna, 30-anyos, may asawa at tatlong anak. Isa akong manikurista sa isang parlor at ang mister ko ay tricycle driver. Ma­pag­­mahal na asawa ang mister ko pero napa­ka­seloso.

Sa trabaho ko, hindi maiiwasang bola-bolahin ako ng mga lalaking customer. Siyempre, hindi ko naman sila puwedeng isnabin at paminsan-minsan ay sumasakay ako sa biro nila. Ayaw ito ng asawa ko.

Totoong may mga dumidiga sa akin kung minsan pero alam ko naman ang aking kalagayan at hindi ko puwedeng pagtaksilan ang mister ko. Sinasabi ko ito sa asawa ko pero parang lalo  siyang nagagalit.

Ano ang magagawa ko? Sa parlor na pinapa­sukan ko, hindi puro babae ang mga mina-manicure ko. Marami ring lalaki. At dahil may itsura naman ako, may mga humahanga sa akin. Pero kapag dumiga na sila, pinaprangka ko sila. Sinasabi kong may asawa na ako at hindi ko sila puwedeng patulan.

Sa kabila nito’y insecure pa rin ang asawa ko. Ano ang dapat kong gawin? Hindi ako puwedeng magresign dahil malaking tulong sa amin ang kinikita ko. Tulungan mo ako, Dr. Love.

Lorna

Dear Lorna,

Kung gusto ng mister mo na iwanan mo ang iyong trabaho, sundin mo ang gusto niya. Siya ang ulo ng pamilya at siya ang dapat masunod. May mga lalaki talagang seloso at iyan ay isang ugaling mahirap mabago.

Gayunman, kung aalis ka sa trabaho mo, dapat magdobleng sikap ang mister mo para hindi kayo magkulang dahil tiyak na magbabago ang takbo ng inyong kabuhayan.

Pero sabihin mo sa kanya iyan sa paraang hindi siya maiinsulto. Baka sakaling kapag naramdaman niyang nagkukulang kayo ay payagan ka na rin niyang magtrabaho at mababawasan na ang kan­ yang pagiging seloso.

Dr. Love

Show comments