Manyakis na stepfather
Dear Dr. Love,
Ako po si Aurora,15-anyos. Ang problema ko ay tungkol sa aking stepdad. Tatlong buwan na silang magkasama ng aking nanay sa bahay namin. Namatay noong isang taon ang tatay ko.
Napansin ko ang makahulugan at malisyosong tingin sa akin ng aking amain. Una’y hindi ko ito binigyan ng masamang kahulugan. Pero kalaunan, tsinatsansingan na niya ako.
Kunwari ay hindi niya ako nakikita, tapos babanggain ako at hihipuin ang aking dibdib. Habang sinusulat ko ito, three times na niya itong ginawa sa akin.
Natatakot ako. Kung minsan kasi ay namamalengke ang nanay ko at kami lang ang naiiwan lalo na kapag weekends at wala akong pasok. Ano ang gagawin ko?
Dear Aurora,
Isumbong mo siya sa nanay mo. Kung sa kanya pa kakampi ang iyong ina, magsumbong ka sa malapit mong kamag-anak.
Pansamantala, umiwas ka sa mga pagkakataong kayo lang ang naiiwan sa bahay. Kapag inulit pa niya ang pagtsansing sa iyo, magsumbong ka sa barangay at ipa-blotter mo ang pangmomolestiyang ginagawa niya. I’m sure tutulungan ka ng inyong chairman para matigil na sa kanyang kalokohan ang iyong manyakis na stepfather.
Dr. Love
- Latest
- Trending