May asawa na pala ang crush niya
Dear Dr. Love,
Just call me Leny, 18 years-old. May bagong lipat sa katabi naming apartment. Nang papasok na ako sa school, kasabay ko siyang lumabas ng pintuan. Nginitian niya ako at nag-hello.
Oh gosh!
Until one day habang naghihintay ako sa labas, lumabas siya pero may kasamang babaeng preggy. Ipinakilala niya sa akin ang babae at may asawa na pala siya.
Ano ang gagawin ko para pansinin niya? Talagang crush na crush ko siya.
Leny
Dear Leny,
No, no. Itigil mo ang kahibangan mo. May asawa iyan at huwag mong sirain ang magandang pagsasama nilang mag-asawa.
Admiration lang iyan at puwede mong maibaling sa iba na eligible. Bata ka pa at naiintindihan ko ang damdamin mo. Pero hindi sa lahat ng bagay ay dapat sundin ang damdamin.
Kung ikaw ang may asawa, papayag ka bang agawin siya ng ibang babae? I’m sure hindi. Kaya huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong mangyari sa iyo.
Dr. Love
- Latest
- Trending