^

Dr. Love

Iniligtas ako ng Diyos sa bingit ng kamatayan

- Ni Rosbero Quinzon -

Ako si Pastor Danilo Ambida, 51,   ng Christ, the Living Stone Fellowship sa Dolores, Eastern Samar  na kasama sa lumubog na barko ng M/V Blue Water Princess na patungong Masbate noong  Hulyo na mahigit 20 sa mga pasahero ang nasawi.

Ako po’y naimbitahan ng  mag-asa­wang Rey at Roville Escobido, kapwa ko rin mga manggagawa sa Ubasan ng Diyos ng CLSF na nadestino sa Placer at Mas­ bate City, bilang speaker sa kanilang ani­bersaryo.  Kasama  ko sa biyahe ang  mag-asawang Escobido at si Pastora Maribel Verallo, isa ring manggagawa sa  Masbate.

Kagagaling lamang naming apat na nag-attend ng Missionary Conference na ginanap sa CLSF Center sa Mandaluyong City.  Sumakay kami sa M/V Blue Water Princess sa Lucena City at wala naman akong kaba na may mangyayaring masama sa barko dahil mapayapa ang dagat. Ang barko ay may lulang 150   mga pasahero at 14 na mga truck at kotse.

Bandang alas-10 ng gabi, ang barko ay bigla na lamang tumagilid sa gawing kaliwa. Hinahampas na kasi ang barko ng malalakas na alon bunga ng   malakas na hangin kahit kakaunti lamang ang ulan.

Wala namang anunsiyo ang mga opis­yales ng barko na may  panganib na para­ting.  Pero  isinuot na rin namin ang aming life jacket para kung ano ang mangyari ay nakahanda na kami.

Mga bandang ala-1:30 ng hatinggabi,  habang ako ay papunta ng comfort room, doon na tuluyang tumagilid ang barko at dahan-dahan itong lumubog. Hindi na ako nakabalik sa aking  cabin. Bigla na lamang namatay ang ilaw  habang ako naman ay umakyat na sa pinakahuling palapag ng barko para doon na ako tumalon kapag ito’y tuluyang  lumubog. Nangyari nga ang kinatatakutan  kong maganap  kaya tuma­lon ako sa dagat. Mabuti na lamang at hindi tumama ang ulo ko sa railing na bakal ng barko.

Nang naroon na ako sa tubig, may nakapa ako na isang styro-foam na palutang-lutang rin at ito’y kinapitan   kong mahigpit dahil nasasakal ako sa life jacket. Hindi ko kasi naisara ang life jacket hang­gang leeg ko kasi ay naiinitan ako kaya ito  tuloy ang nangyari sa akin.

Lumangoy ako patungo sa nakikita kong  ilaw subalit dinadala ako ng malakas  na agos. Sa bigat ko pa naman dahil ma­laki ang aking tiyan,  talagang nahirapan akong lumangoy at marami na akong nainom na tubig-dagat.

Umuungol na nga ako at  akala ng mga kasamahan ko ring nagpapalutang-lutang sa dagat ay kung ano na ang nangyayari sa akin. Para bagang hindi ko na kaya.  Pero  kapag sinasabihan ko ang alon at dagat na dapat silang magpuri sa  Diyos, hindi ako tinatamaan ng alon.

Sinabi ko sa Panginoong Jesu-Cristo na kung hindi pa tapos ang ipinagagawa Niya sa akin, iligtas Niya ako sa kamatayan.

Iyon nga ang ginawa ng Panginoong Jesu-Cristo. Dinala niya ako sa pampang at doon ako nailigtas ng mga tao. Kasama kong nakaligtas ang mag-asawang Esco­bido pero si Pastora Verallo ay nasawi.

Pinapupurihan ko ang Panginoong Jesu-Cristo dahil  nailigtas Niya ako sa bingit ng kamatayan. Purihin at sambahin Siya dahil totoo ang Kanyang Pangako na hindi Niya tayo iiwanan at pababayaan kahit sa bingit ng kamatayan.

Kuya Danilo Ambida ng Dolores, Eastern Samar 

(Sa mga nais humingi ng payo, pana­langin, pagpapala at iba pa, tumawag lamang sa mga telepono ng CLSF:  U-belt, 733-1087; Pandacan, 533-5791/563-2809; Tondo, 251-8243/252-6649; Ma­labon, 273-8256/270-3836; Q.C., 724-0676; Parañaque, 821-5335; Cainta, 656-7998, at Mandaluyong, 533-5171.)

AKO

NIYA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with