Nagmamahal sa ‘may sabit’
Dear Dr. Love,
First of all, binabati kita at ang marami mong tagasubaybay ng magandang araw. Tawagin mo na lang akong Rita, 23-anyos at isang cashier sa isang kilalang restaurant.
I come from a poor family and after graduating from Business Administration, agad akong bumagsak sa trabahong ito. Marami na akong naging kasintahan pero nagbago ang takbo ng buhay ko nang makilala ko si Armand. Isa siyang matagumpay na negosyante at sa kabila ng edad niyang 50 ay matikas pa at guwapo.
Madalas siyang kumain sa aming restaurant at minsa’y lumapit siya sa akin at nakipagkuwentuhan. Napakalakas ng appeal niya at mula
Nang imbitahan niya akong kumain sa labas, ewan ko kung bakit hindi ako nakatanggi. Sumakay kami sa kanyang Mercedez Benz at nagpunta sa Cowry Grill ng Manila Hotel. Frankly, first time kong makakain sa ganyan karingal na restawran.
Hindi siya nagsinungaling sa akin. Nagtapat siyang may asawa na siya at mga anak at nagkakalamigan na silang mag-asawa.
Rita
Dear Rita,
Alam mo sa katinuan ng iyong isip na immoral makipagrelasyon sa may-asawa. Sa mata ng tao at ng Diyos, labag iyan sa batas.
Pag-aralan mo ang damdamin mo at nasisiguro kong humahanga ka lang sa lalaking iyan dahil sa kanyang “dating” at “datung.”
Hindi ka ganyan ka-cheap. Maaaring lumigaya ka sa piling niya pero panandalian lang. Huwag kang pumatol sa “dirty old man.”
Dr. Love
- Latest
- Trending