^

Dr. Love

Nagbago ang girlfriend

-

Dear Dr. Love,

Katulad ng mga libu-libong sumusulat sa iyo, gusto ko ring humingi ng payo sa aking problema.

Tawagin mo na lang akong Nestor, 23- anyos at binata. May girlfriend ako. Tawagin mo na lang siyang Ester. Mabait siya at very sweet and caring. True love ko siya at halos isang taon na ang aming relasyon.

Sa aming tinitirhan sa Quezon City, nagkaroon kami ng kapitbahay na Japayuki. Maganda siya pero tipong cheap. Nagkatuksuhan kaming magkakabarkada. Sabi nila sa akin, kung talagang macho ako, ligawan ko si Michelle (pangalan ng Japayuki). Patunayan ko raw na girlfriend ko na siya sa pamamagitan ng pagdi-date namin.

Ako naming utu-uto ay sumunod sa mga kabarkada ko. Nagkalapit kami ni Michelle at ni hindi ko na siya niligawan. Nang yayain kong ma­kipag-date ay sumama agad. Pagkatapos na­ming magsine ay nag-motel kami.

Nabalitaan ito ni Ester na luhaang nakipag-break sa akin. Matapos ang one week ay humingi ako ng tawad. Pinatawad naman niya ako at binigyan ako ng ikalawang chance. Pero nagbago siya. Hindi na siya kasing sweet at caring tulad ng dati.

Tuwing tatanungin ko kung bakit siya nagbago, sinasabi niyang imagination ko lang iyon. Baka guilty lang daw ako. Masakit sa akin ang ginagawa niyang ito. Tulungan mo ako.

Nestor

Dear Nestor,

Pasalamat ka at binigyan ka niya ng one more chance. Siguro,  hindi pa naghihilom ang ginawa mong sugat sa kanyang puso kaya siya nagkaka­ganyan.

Magtiyaga kang manuyo. Patunayan mong hindi na mauulit ang iyong kasalanan. Ipakita mong tunay at tapat ang iyong pag-ibig.

Makakalimot din siya balang araw pero ka­ilangang pagsikapan mong mapaghilom ang sugat ng kanyang puso. Kasalanan mo iyan kaya ikaw ang gumawa ng remedyo para manumbalik ang dating tamis ng inyong relasyon.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

DEAR NESTOR

DR. LOVE

JAPAYUKI

MICHELLE

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with