Hot, hot Oi Chix
Dear Dr. Love,
Dalangin ko na sa pagtanggap mo sa sulat kong ito’y nasa mabuti kang kalusugan kasama ang mga mahal mo sa buhay.
Malaon na rin akong nagbabasa ng iyong kolum kahit ako’y mahigit na sa 70-taong gulang.
Tawagin mo na lang akong Lola Gie, isang biyuda, may apat na anak at ang mga apo ko’y hindi ko na mabilang.
Sumulat ako sa iyo dahil may problema ang aking bunsong anak na lalaki. Tatlong taon pa lang siyang may-asawa at may dalawang anak. Lumapit sa akin ang asawa niya at luhaang isinumbong na may kinalolokohan daw na ibang babae ang anak ko.
Desidido ang manugang ko na hiwalayan ang aking anak pero sabi ko, gusto ko silang makausap na dalawa para malinawan ang tunay na isyu.
Nang pagharapin ko silang dalawa, itinanggi ng anak ko ang paratang ng kanyang asawa pero ayaw maniwala ng aking manugang. Sabi niya’y hihiwalay na siya sa aking anak.
Umiiyak ang aking anak at sumusumpa siya na hindi totoo ang ibinibintang sa kanya. Naniniwala ako sa anak ko dahil kilala ko siya. Ano ang gagawin ko?
Dear Lola Gie,
Baka naman gusto lang talagang makipaghiwalay ng babae kaya umiimbento ng dahilan? Mahirap humusga lalo pa’t hindi ko alam ang puno’t dulo ng alitan ng mag-asawa.
Pero kung ang babae ang desididong humiwalay anuman ang kanyang dahilan, mahirap yatang pigilin ito.
Makabubuting gumawa ng last attempt ang anak mo na kausapin siya upang malinawan ang totoong dahilan at gusto ng misis niya na maghiwalay sila.
Hangga’t maaari ay hindi dapat papaghiwalayin ang pinagtali ng Diyos pero kung ayaw na ng isa, ano pa ang magagawa mo?
Dr. Love
- Latest
- Trending