Sugar mom
March 27, 2007 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Binabati ko ang lahat ng mga tagasubaybay mo at staff ng Pilipino Star NGAYON. Sana’y nasa mabuting kalagayan kayong lahat sa pagtanggap ng sulat kong ito.
Bata pa ako’y lagi kong binabasa ang kolum mo, Dr. Love, at nais kong ibahagi ang aking kasaysayan ng pag-ibig. Sana’y matulungan mo ako sa problema ko.
Tawagin mo na lang akong Gino, 27-anyos at isang factory worker. Sa trabaho kong ito’y nakilala ko si Elma, 45-anyos at isang biyuda. Nagkalapit kami ng loob ni Elma.
Nagpakita ng motibo sa akin si Elma at dahil maganda naman siya sa kabila ng kanyang edad, naakit ako sa kanya. Madalas niya akong nireregaluhan ng mamahaling t-shirt, pabango at kung anu-ano pa. Madalas din kaming nagde-date sa motel at napakaagresibo niya.
Niyayaya niya akong magpakasal pero nagdadalawang- loob ako. Ano ang gagawin ko.
Gumagalang
Gino
Dear Gino,
Ang pagpapakasal ay dapat may halong tunay na pag-ibig at hindi lang puro layaw at pita ng katawan. Marahil, talagang in-love sa iyo si Elma pero in love ka rin ba sa kanya? Obviously, hindi. Ikaw mismo ang nagsabi na naakit ka lang sa pagiging agresibo niya at pagpapadala ng kung anu-anong regalo.
Mag-isip kang mabuti. Kung talagang ayaw mo na sa kanya, layuan mo na siya habang maaga. Lubhang malayo ang inyong agwat sa edad at bagamat may kasabihang age doesn’t matter, paglipas pa ng ilang panahon ay baka mukha na siyang lola mo at ikahiya mo pa.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended