Magulang o puso?
March 3, 2007 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Tawagin mo na lamang akong Maring, 24-anyos. Patay na ang aking nanay at ang tatay ko’y may taning na ang buhay dahil sa prostate cancer.
Mahal na mahal ako ng aking ama at sa katunayan, sunod ang lahat ng layaw ko sa kanya maliban sa isang bagay. Iyan ang tungkol sa boyfriend ko na inaayawan niya. Edwin ang pangalan ng boyfriend ko.Tatlong taon na ang aming relasyon at hindi matuluy-tuloy ang pagpapakasal namin dahil kay Tatay. Ewan ko kung bakit nasusuklam si Tatay sa kanya.
Madalas niyang sabihin sa akin na kung gusto ko siyang pumanaw na maligaya ay hiwalayan ko ang boyfriend ko. Para na kaming mag-asawa ni Edwin. Kahit hindi kami magka-live-in ay madalas kaming lumabas nang panakaw. Hindi ito alam ni Tatay.
May ibang lalaking inirereto si Tatay sa akin. Anak ng kanyang kumpare. Mula pagkabata ay magkalaro at magkabarkada raw sila kaya nagsumpaang kapag nagkaanak sila ay ipakakasal. Guwapo at mabait ang lalaking iyon pero wala naman akong nararamdaman para sa kanya.
Mahal ko ang aking ama at kung susuwayin ko siya, nag-aalala akong baka hindi matahimik ang kanyang kaluluwa.
Ano ang dapat kong gawin, Dr. Love?
Maring
Dear Maring,
Alam mo, sa pagpili ng mapapangasawa ay hindi puwedeng magdikta ang sinuman kahit pa magulang mo. Ang indibidwal ang makikisama ng habambuhay at ang panghihimasok ng mga magulang ay baka maging dahilan pa para sisihin ang huli kapag hindi naging mabuti ang resulta ng pagsasama. Ang tungkulin lang ng mga magulang ay magbigay ng payo. Anak pa rin ang huling nagpapasya.
Hindi kasalanang labagin ang gusto ng mga magulang kung suliranin sa puso ang pag-uusapan. Marahil ay sasama ang kanyang loob pero isipin mo na kapakanan ng iyong puso ang nakataya pati na ang iyong magiging kinabukasan.
Nasa iyo ang huling desisyon. Sino ang pipiliin mo, ang gusto ng iyong ama o ang itinitibok ng iyong puso?
Alalahanin mo, ang kasal ay panghabambuhay. Kung magpapakasal ka sa lalaking hindi mo gusto, kaligayahan mo ang nakataya.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended