Mag-ingat sa manloloko
February 26, 2007 | 12:00am
Sa mundong ito, marami talagang manloloko ang naglipana. Isa na rito ang gustong bumiktima kay Dante Magbanua na nailathala natin kamakailan.
Tumawag ang manloloko kay Dante at sinabi nito na siya raw si Jonathan Magbanua, anak ni Jose Magbanua ng Iloilo. Ikinuwento niya na may anak daw siyang ooperahan sa kidney pero hindi ito natuloy kasi binawian na ng buhay ang anak niya. Gusto nga raw niyang i-donate ang kanyang kidney kung natuloy lamang ang operasyon ng kanyang anak.
Ngayon ay nakaburol ang kanyang anak sa isang funeraria sa Maynila at gusto niya raw iuwi sa Iloilo ang bangkay para doon na lang ito ilibing. Subalit nangangailangan siya ng perang pamasahe sa barko at panggawa ng kabaong.
Dahil nahabag si Dante, sabi niya sa manloloko na bibigyan siya ng P500. Doon nalang niya ibibigay ang pera sa KFC Coastal Road kung saan sila magkikita kinabukasan ng umaga.
Pero hindi mapalagay si Dante. Tumawag siya kay Gil Palero ng Cainta hinggil sa taong ito. Ipinaalala kasi ng Panginoong Jesus kay Dante na minsan ay niloko na ng taong ito si Gil. Iyon nga sinabi ni Gil na modus operandi ng taong ito. Mapapaniwala ka talaga sa taong ito dahil babanggitin niya ang mga kilalang lider ng Born Again Christian group gaya nina Bishop Efraim Tendero at Bishop Daniel Balais.
Hindi lamang si Kuya Gil ang nabiktima ng taong ito. Marami pa sa hanay ng mga Born Again Christians. Kaya ang panawagan sa mga masusugid na mambabasa ng kolum na ito, kapag may kahina-hinalang tumatawag sa inyo ay huwag agad maniwala.
Kailangan munang maberipika kung totoo ba ang sinasabi ng taong ito. Ang mas mainam ay magsumbong kaagad sa pulisya para makapagsagawa ng entrapment para mahuli ang mga ganitong taong manloloko.
– Kuya Danny ng Quezon City
(Sa mga nais humingi ng payo, panalangin, pagpapala at iba pa, tumawag lamang sa mga telepono ng CLSF: U-belt, 733-1087; Pandacan, 533-5791/563-2809; Tondo, 251-8243/252-6649; Malabon, 273-8256/270-3836; Q.C., 724-0676; Parañaque, 821-5335; Cainta, 656-7998, at Mandaluyong, 533-5171.)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended