Katuwang sa buhay
February 20, 2007 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Isa pong malugod na pagbati sa inyo at sa lahat ng mga bumubuo ng inyong pahayagan.
Sana po, sumapit sa inyo ang liham na ito na nasa mabuti kayong kalagayan sa buhay.
Ako nga po pala si Mark Tagle, isang bilanggo sa pambansang piitan at masugid na mambabasa ng pahayagang PSN lalo na ang pitak na Dr. Love.
Ang akin pong kahilingan ay sana mabilang ang pangalan ko sa inyong pitak nang mga naghahanap ng kaibigan sa panulat.
Sa gitna po ng malungkot kong kalagayan dito sa loob, makakatulong po nang malaki kung mayroon akong mga kaibigan sa panulat na makakaunawa sa akin at magsisilbing kahingahan ko ng loob para maibsan ang dinaranas kong kalungkutan.
Itinuturing kong isang pagsubok ng tadhana ang pagkakapasok ko dito sa loob at kung mayroon akong katuwang o kaibigan na handang umunawa at magpayo sa akin, magaan kong malalampasan ang mga dumarating na unos ng buhay.
Isa pong malaking utang na loob kung mabibigyang-pansin ninyo ang liham kong ito at matulungang humanap ng mga kasulatan.
Maraming salamat po sa pagbibigay ninyo ng pagkakataong mabasa at mailathala ang liham na ito.
More power to you.
Mark Tagle
Student Dorm,
Medium Security Compound,
Muntinlupa City 1776
Dear Mark,
Sumaiyo rin ang masaganang pangungumusta ng pitak na ito.
Sana, makaabot sa iyo ang lathalaing ito para madama mong hindi ka nag-iisa sa pagsalunga sa unos ng buhay.
Nakalulugod na mabatid na sa kabila ng kalagayan mo diyan sa loob, nagpasya kang magpatuloy ng pag-aaral. Sana, matapos mo ang iyong pag-aaral.
Hindi mo nabanggit kung bakit ka nandiyan sa loob at kung hanggang kailan ka mananatili diyan sa piitan.
Magkagayunman, nirerespeto ng pitak na ito ang pribado mong mga dahilan.
Huwag kang mawawalan ng pag-asa, panatilihin mo ang tiwala sa Panginoon at lipunan.
Kung mayroon mang may pagkakasala sa iyo, patawarin mo na rin sila at makakatagpo ka ng kapayapaan ng kalooban.
Hangad ng pitak na ito ang pagkakaroon mo ng mga kaibigan sa tulong ng column na ito.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am