Mensaheng pang-anibersaryo

Dear Dr. Love,
Magandang araw po sa inyo. Sumulat po ako para magbigay ng mensahe sa aking mahal na si Gina at sana po ay mailathala ninyo ito taon sa ikalimang buwan naming anibersaryo.

Gina,

Gusto ko lang magpasalamat dahil dumating ka sa buhay ko.

Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya nang makilala kita.

Sana’y madama mo at maipakita ko sa iyo kung gaano kita kamahal.

Salamat sa mga happy moments natin at sa lagi mong pag-aasikaso sa akin. Nami-miss kong lahat lahat iyon kapag nasa abroad na ako.

Sana, hindi ka magbago at mahintay mo ang pagbabalik ko.

Huwag mo sanang pababayaan ang sarili mo at huwag kang masyadong mag-alala sa akin.

Isipin mo na lang lagi na nasa mbuti akong kalusugan at asahan mong lagi ka sa aking alaala.

Mahal na mahal kita. Happy 5th month anniversary.
Ryan


Dear Ryan,

Sorry kung medyo nagahol kami sa panahon sa paglalathala nitong liham mo.

Hindi man nataon sa akmang petsa ng inyong ikalimang buwang anibersaryo, ang mahalaga ay maipaabot mo kay Gina ang damdamin mo.

Sana, mabasa ito ni Gina at hangad namin ang kaligayahan ninyong dalawa.
Dr. Love

Show comments