^

Dr. Love

Confused

-
Dear Dr. Love,

Bumabati ako sa iyo at sa milyon mong mga tagasubaybay. Sana’y lagi kayong pinapatnubayan ng Diyos at malayo sa sakuna.

Tawagin mo na lang akong Zenaida. Hindi ko matiyak kung ako’y babae o tomboy. Sa edad kong ito na 14-anyos, nagkaka-crush ako sa aking kapwa babae. Pero hindi ko ipinapahalata dahil ayokong malaman ng iba dahil nakakahiya, di ba? Sa kilos ko at galaw ay babaeng-babae ako. Humahanga rin ako at nagkaka-crush sa mga sikat na artistang lalaki. Pero bakit nagkagusto ako sa aking kaklase sa school?

Best friend ko siya at lagi kaming nagsi-share sa pagkain at sa homework ay nagtutulungan kami. Madalas din kaming magkasama sa pamamasyal tulad sa malls at sa panonood ng sine.

Hindi ko maintindihan ang aking sarili. Ayaw ko namang maging tomboy pero bakit ganito ang damdamin ko?

Ano’ng gagawin ko?

Zenaida


Dear Zenaida,


Hindi ka tomboy dahil unang-una, ayaw mong maging ganyan. Kung mag-ayos ka at kumilos ay babaeng-babae ka ika mo. Therefore, tunay kang lahi ni Eba.

Ang nararamdaman mo sa iyong kaibigan ay purely special friendship na normal sa mga kabataang tulad mo. Pinagkakamalan mo lamang itong crush pero sa totoo lang, nasa stage ka na masyado mong pinapahalagahan ang pagkakaibigan to the point na pati siguro ibang kaibigan ay pagseselosan mo. Huwag kang mag-alala. Lilipas din ang stage na iyan.

Dr. Love

AKO

ANO

AYAW

BUMABATI

DEAR ZENAIDA

DIYOS

DR. LOVE

EBA

HUMAHANGA

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with