Pag-ibig na langit at lupa
January 13, 2007 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Isa po ako sa libu-libong umiidolo sa inyo at tumatangkilik sa sikat ninyong pahayagan. Tunay pong nakapagdudulot ng aliw at kapayapaan ng damdamin ang mga payong ibinibigay ninyo sa mga sumusulat sa inyo para ibahagi ang kanilang mga problema sa buhay.
Lumaki po ako sa mahirap na pamilya at ang kahirapan namin ang dahilan kung bakit Grade 2 lang ang natapos ko. Marunong lang akong sumulat at bumasa. Maagang namatay ang aking itay kaya hindi na ako nakapag-aral.
Sa edad kong 16, lumuwas ako ng Maynila para mamasukan ng trabaho para makatulong po ako sa aking Nanay nang makaahon kami sa kahirapan. Sa tulong ng aking kaibigan, ipinasok niya ako bilang isang boy at dito na po ako natutong magmaneho sa aking amo. Ako na ang naghahatid at sumusundo kay Anna na anak ng aking amo sa trabaho niya. Mabait po si Anna sa akin at kapag may problema siya, sinasabi sa akin. Lagi rin niyang itinatanong sa akin kung bakit hindi pa raw ako nag-aasawa gayong sapat na raw ang aking edad para magkaroon ng asawa.
Sinabi ko naman sa kanya na nais ko pang makatulong sa aking Nanay at sa mga kapatid ko. Bago bumaba si Anna sa sasakyan, nag-aabot siya ng pera sa akin. Tulong daw niya sa mga kapatid ko. Mabait at malambing siya. Lagi niya akong kasamang mamasyal pag araw ng Linggo.
Sa hindi ko inaasahan sa aking buhay, nagkaroon po kami ng relasyon ni Anna. Siya ay 23-anyos at ako naman ay 21. Mahal na mahal namin ang isat isa. Ang akala ko noon ay wala nang katapusan ang aming kaligayahan. Hanggang sa magbunga ang aming pagmamahalan at nang malaman ng kanyang mga magulang na ako ang ama ng dinadala ni Anna, pilit nila akong pinaalis sapagkat langit at lupa raw ang pagitan namin. Dahil mahal na mahal namin ang isat isa, hindi kami nawalan ng pag-asa.
Nagtanan kami at nagtago ng mahigit anim na buwan. Dahil may pera ang kanyang mga magulang, natagpuan nila kami at sa hindi inaasahang pangyayari, sapilitan nilang kinuha ang aking mahal na asawa at anak. Wala po akong nagawa para ipagtanggol ang aking asawa at anak dahil may kasamang mga pulis ang kanyang mga magulang. Tuluyan na siyang inilayo sa akin.
Ito ang naging daan para maging magulo ang aking buhay. Nabalitaan ko na lang na nagpakasal na siya sa isang mayamang lalaki. Wala akong mapuntahang kamag-anak dahil sila man ay tutol sa aming relasyon sapagkat langit at lupa ang pagitan namin ni Anna. Hindi ko na alam ang tama at mali.
Lumapit na lang ako sa isang kaibigan. Ang buong akala ko, siya ang makatutulong sa akin ngunit nagkamali ako. Tinuruan niya akong gumamit ng bawal na gamot.
Nangibabaw ang masama at nabuyo na rin akong gumamit nito. Ang sabi nga ng aking kaibigan, ito raw ang paraan para makalimutan ko ang lahat kong problema. Pero ito pala ang magiging mitsa ng aking kapahamakan. Ito pala ang magiging daan para makulong ako dito sa pambansang piitan. Pinagsisisihan ko ang padalus-dalos kong desisyon sa buhay. Ngayon, pilit kong kinakalimutan ang nakaraan ko sa buhay. Ngunit ang mapait kong karanasan ay laging nananariwa sa aking isipan. Sana poy magkaroon ako ng mga kaibigan sa panulat para tulungan na mabura sa aking isipan ang masakit kong karanasan sa buhay. Maraming salamat po sa paglalathala ninyo sa aking liham.
Lubos na gumagalang,
Joseph Jimenez
Student Dorm 232,
Camp Sampaguita,
Muntinlupa City 1776
Dear Joseph,
Salamat sa pagpili mo sa aming pahayagan para mailathala ang iyong kasaysayan sa buhay. Naway nasa mabuti kang kalagayan.
Sanay tanggap mo na ngayon na ang isang tapat at wagas man na pag-ibig ay hindi pa rin sapat sa sitwasyong langit at lupa. Bihira lamang ang pinagpapala na magtagumpay ang kanilang pag-ibig anuman ang kanilang kalagayan sa buhay. Baka sa pelikula nga lang nangyayari iyon e.
Naway matanggap mo na ang iyong pagkakasala at maging tagapagpagunita sa mga kabataan na huwag maging padalus-dalos sa mga desisyon na maaaring pagsisihan sa dakong huli.
Minsan pa, muling napatunayan na wala talagang naidudulot na mabuti ang droga.
Pero nandiyan na iyan. Abalahin mo na lamang ang iyong sarili sa pag-aaral diyan sa loob ng piitan para paglabas mo ng kulungan ay may sapat kang edukasyon para sa bagong pakikibaka sa buhay.
Huwag kang makakalimot manalangin at maging daan sana ang pitak na ito upang magkaroon ka ng mga kaibigan sa panulat. Hangad namin ang maaga mong kalayaan.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended