Naghahanap ng pagmamahal
January 9, 2007 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Isa pong masaganang pangungumusta sa inyo at sa lahat ninyong kasamahan sa PSN.
Isa po ako sa libu-libong masusugid na tagasubaybay ng inyong pahayagan at ng pitak ninyong Dr. Love.
Ako nga po pala si Jonathan Soriano, 29 years-old at tubong Tuguegarao, Cagayan.
Nais ko pong idulog sa column ninyo ang masaklap kong karanasan sa buhay hanggang sa mapadpad nga ako dito sa bilangguan.
Anim na taong gulang pa lang ako nang maulila sa aking mga magulang. Tanging ang lolo at lola ko na lang ang nagisnan kong nag-aruga sa akin.
Pero hindi po ako nakuntento sa pagmamahal na ibinibigay nila sa akin at hinahanap ko pa rin ang pag-aaruga ng aking mga magulang.
Hindi naging madali para sa akin ang masagot ang lahat kong mga katanungan. Dahil po sa naging makasarili ako noon, ni hindi ko naisip na lingunin ang mga taong nagpalaki sa akin at natuto akong makipagbarkada. Ang damdam ko noon, masayang-masaya ako kung kasama ko ang tropa. Ni wala rin akong iniisip kundi ang pansariling interes.
Sa pakikipagbarkada ko, umalis ako sa piling ng aking lolo at lola. Matagal akong naglagalag. Hanggang sa mabalitaan ko na lang na sumakabilang buhay na silang dalawa.
Noon ko naisip na hibang ako. Halos magpakamatay ako noon nang mabalitaan kong patay na ang dalawang nagmahal sa akin. Ni hindi ko man lang nakita ang kanilang mga bangkay nang sila’y ilibing.
Galit na galit ako sa aking sarili. Lalong naging magulo ang aking buhay dahil wala nang nagmamahal sa akin.
Tuluyan nang napatiwara ang buhay ko. Hindi ko alam ang takbo ng oras at paglipas ng panahon.
Bumalik ako sa dati kong mga kaibigan at kung saan-saan na lang kami napapadpad at nagpapalipas ng araw at gabi.
Minsan, umuwi ako sa dating bahay ng aking lolo at lola at nakita ko ang dati kong kababata. Nakita kong pinagtutulungan siya ng kanyang mga kalaban.
Tumulong ako sa kanya sa pagdedepensa hanggang sa mapatay ko ang isa sa kanila.
Natakot ako sa higanti ng pamilya ng napatay ko. Pero hindi ako nakatakas sa kamay ng batas at ngayon ay pinagdurusahan ang aking nagawang krimen.
Sana po, mabigyan ninyo ako ng pagkakataong mailathala ang liham kong ito at mabigyan ng makabuluhang payo.
Nais ko rin pong magkaroon ng mga kaibigan sa panulat na siyang magsisilbing inspirasyon ko sa loob ng kulungan.
Hanggang dito na lang po at marami pong salamat.
Jonathan Soriano
Student Dorm,
Camp Sampaguita,
1776 Muntinlupa City
Dear Jonathan,
Salamat sa liham mo. Sana ay matanggap mo ang kamalian mo sa buhay at sana ay mapagsisihan mo ang mga pagkakamaling ito na nagawa mo.
Marahil, ginusto ng tadhana na mapadpad ka diyan sa loob para maintindihan mo na hindi lahat ng gusto mo sa buhay ay makakamit mo.
Kung ang isa mang tao ay biktima ng masamang kapalaran, hindi naman ito nangangahulugan na palagi ka na lang mabubuhay sa pighati.
Makakabangon ka rin kung magiging pasensiyoso ka lang at ilalagay sa isip na magpapakabuti na.
Pahalagahan mo ang sarili sa pamamagitan ng pagpapakabuti at paghahanda sa kinabukasan sa pamamagitan ng pag-aaral.
Ang kabutihan ng iba ay pahalagahan mo rin at huwag mong itanim sa isip na walang nagmamahal sa iyo.
Mahal ka ng Panginoon kaya buhay ka pa at binibigyan ng pagkakataong makapagsisi at magpakabuti.
Alisin mo ang habag sa sarili at isipin kung ano ang magagawa mong kabutihan sa iba at sa lipunan.
Bata ka pa at may pagkakataon pang makaahon sa kasalukuyan mong kalagayan para makapaglingkod.
Nasa daigdig tayo para magsagawa ng misyon sa buhay para may maisulit kang kabutihang nagawa pagharap mo sa Lumikha sa iyo.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am