^

Dr. Love

Kahulugan ng Pasko at Bagong Taon

- Ni Rosbero Quinzon -
Karamihan sa ating mga kababayan ay kapos ang pang-unawa sa kung ano ang tunay na diwa ng Pasko. Ang alam lamang nila o natin ay tuwing Pasko, ipinagdiriwang natin ang kapanganakan ng ating Panginoong Jesu-Cristo bilang Tagapagligtas at Panginoon ng lahat ng mga tao sa mundo. Pero hanggang sa isipan lamang at hindi sa puso.

Bakit kamo? Dahil kung totoong ang Panginoong Jesu-Cristo ang Tagapagligtas at Panginoon ng ating mga kababayan, ‘di wala na sanang mga pagnanakaw, imoralidad, kaguluhan, patayan, mga karumal-dumal na krimen at iba pang mga kasalanan na tago at hayag dito sa ating bansa.

Sa totoong nakauunawa kung sino ang Panginoong Jesu-Cristo, ang buhay niya ay puno ng pag-ibig, matuwid, makatarungan, banal at puno ng mga mabubuting gawa.

Alam ang puno’t dulo ng Biblia mula sa Genesis at Revelation sa puso at diwa at ito’y kanyang isinasagawa. Ang pagkakaunawa nga na ang Diyos sa Pangalawang Persona na kasama ang Diyos Ama at Banal na Espiritu magpakailanman na lumikha sa langit at lupa at sa lahat ng mga bagay na may buhay at walang buhay, nakikita at hindi nakikita, espiritwal o pisikal at sa lahat ng bagay ang Siyang nagkatawang tao para hindi mapahamak ang lahat ng tao sa impiyerno at ang lahat ng Kanyang Nilikha ay manumbalik sa orihinal na anyo, katayuan at katangian dahil ito’y sinira ng kasalanan at ni Satanas.

Gayon din sa Bagong Taon. Dapat ay nagbabago ang panloob ng bawat tao kapag sumasapit ang bagong taon. Mula sa pagiging mainisin, madaling magalit o anupaman, dapat binabago na ito ng Banal na Espiritu. Ang pagbabagong ito ay nangyayari araw-araw o sa tuwina. Ang katotohanan, nang tanggapin ng tao ang Panginoong Jesu-Cristo bilang sariling Tagapagligtas at Panginoon, ang Banal na Espiritu ang Siyang nanahan sa buhay niya kung kaya binabago siya araw-araw mula sa mga kapangitan ng pang-uugali at paghilom sa mapait niyang mga karanasan sa buhay.

Pagsapit ng Pasko, magiging katulad din tayo ng mga Pantas (hindi mga hari ayon sa Biblia) kung saan sinasamba nila ang Panginoong Jesu-Cristo at may dala-dala silang mga handog na ginto, kamanyang at mira bilang patunay ng kanilang pagsamba sa isinilang na Messiah o Diyos na Tagapagligtas nila.

Maging katulad din tayo ng mga anghel sa kalangitan na bumaba bilang magparangal, pagpugay, magpuri at sumamba sa Panginoong Jesu-Cristo. Gayon din ang mga pastol. Hindi lamang nila pinapurihan at sinamba ang Messiah kundi ipinamalita pa nila ang pagsilang ng Manunubos sa lahat ng tao sa Bethlehem, Israel.

Ito ang dapat gawin ng mga Kristiyano sa tuwing Pasko at hindi lamang sa loob ng isang taon kundi sambahin at papurihan natin ang Panginoong Jesu-Cristo araw-araw o sa tuwi-tuwina ng ating buhay. Iyon ang tunay na diwa at kahulugan ng Pasko at Manigong Bagong Taon.

(Sa mga nais humingi ng payo, panalangin, pagpapala at iba pa, tumawag lamang sa mga telepono ng CLSF: U-belt, 733-1087; Pandacan, 533-5791/563-2809; Tondo, 251-8243/252-6649; Malabon, 273-8256/270-3836; Q.C., 724-0676; Parañaque, 821-5335; Cainta, 656-7998 at Mandaluyong, 533-5171.)

BAGONG TAON

BIBLIA

CRISTO

DIYOS

ESPIRITU

PANGINOON

PANGINOONG JESU-CRISTO

PASKO

TAGAPAGLIGTAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with