Tutol kaming magkakapatid sa gusto ng aking Mommy. Baka kasi kayamanan lamang ni Mommy ang habol ng lalaki. Isa pa, mahal namin ang aming Daddy. Kahit wala na siya, parang we feel that he is being cheated if my mother marries another man.
Madalas dumalaw sa bahay ang lalaki. Akala namin, kaibigan lang siya kaya maluwag naming tinatanggap sa bahay. Na-shock kaming lahat ng magpaalam si Mommy na pakakasalan niya ang lalaking yun. Ang mother namin ay 50 years-old na. Hindi ba nakakahiya na sa edad niyang itoy mag-aasawa pa siya?
We vowed not to allow our mother to marry again.
Paano namin mapipigil ang kanyang pagpapakasal? Balak naming maglayas na magkakapatid kung itutuloy niya ito. Please help me.
Myrns
Dear Myrns,
Totoo na ang mag-asawa ay dapat maging faithful sa isat isa. Utos iyan ng Diyos. Ngunit kapag pumanaw na ang isa, ang maiiwan ay may layang mag-asawang muli. Hindi ito kasalanan. It will probably be good kung manatiling single ang inyong biyudang ina. Pero ang sabi sa Bible, kung hindi mapigilan ang natural na nasa isang tao, mas makabubuting mag-asawa siya instead of burning with lust. It doesnt matter kung may edad na ang inyong ina. The point is may pangangailangan siyang dapat matugunan. It is not necessarily sex. It may be simply companionship.
Maibibigay ba ninyong magkakapatid ang lahat ng pangangailangan ng inyong Mommy? Im sure hindi. Iba ang pagmamahal ng asawa sa pagmamahal ng anak.
Remember, nakasulat sa Biblia na "Its not good for man (or woman) to be alone." Ginawa ng Diyos ang tao na babae at lalaki.
Kaya naway maging maunawain kayo sa inyong ina at ipagkaloob ang ikaliligaya niya na hindi naman ninyo puwedeng ibigay.
Dr. Love