^

Dr. Love

Papayagan ba si Mommy na mag-asawa muli?

-
Dear Dr. Love, I wrote you because of a serious family problem. Just call me Myrns, 19 yesars-old and taking up Interior Decoration. Isang biyuda ang aking ina at nabigla kaming magkakapatid nang sabihin niyang mag-aasawa siyang muli.

Tutol kaming magkakapatid sa gusto ng aking Mommy. Baka kasi kayamanan lamang ni Mommy ang habol ng lalaki. Isa pa, mahal namin ang aming Daddy. Kahit wala na siya, parang we feel that he is being cheated if my mother marries another man.

Madalas dumalaw sa bahay ang lalaki. Akala namin, kaibigan lang siya kaya maluwag naming tinatanggap sa bahay. Na-shock kaming lahat ng magpaalam si Mommy na pakakasalan niya ang lalaking yun. Ang mother namin ay 50 years-old na. Hindi ba nakakahiya na sa edad niyang ito’y mag-aasawa pa siya?

We vowed not to allow our mother to marry again.

Paano namin mapipigil ang kanyang pagpapakasal? Balak naming maglayas na magkakapatid kung itutuloy niya ito. Please help me.

Myrns


Dear Myrns,


Totoo na ang mag-asawa ay dapat maging faithful sa isa’t isa. Utos iyan ng Diyos. Ngunit kapag pumanaw na ang isa, ang maiiwan ay may layang mag-asawang muli. Hindi ito kasalanan. It will probably be good kung manatiling single ang inyong biyudang ina. Pero ang sabi sa Bible, kung hindi mapigilan ang natural na nasa isang tao, mas makabubuting mag-asawa siya instead of burning with lust. It doesn’t matter kung may edad na ang inyong ina. The point is may pangangailangan siyang dapat matugunan. It is not necessarily sex. It may be simply companionship.

Maibibigay ba ninyong magkakapatid ang lahat ng pangangailangan ng inyong Mommy? I’m sure hindi. Iba ang pagmamahal ng asawa sa pagmamahal ng anak.

Remember, nakasulat sa Biblia na "It’s not good for man (or woman) to be alone." Ginawa ng Diyos ang tao na babae at lalaki.

Kaya nawa’y maging maunawain kayo sa inyong ina at ipagkaloob ang ikaliligaya niya na hindi naman ninyo puwedeng ibigay.

Dr. Love

BALAK

BIBLIA

DEAR MYRNS

DIYOS

DR. LOVE

GINAWA

INTERIOR DECORATION

ISA

ISANG

MYRNS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with