Pusong lalaki
January 2, 2007 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Bumabati ako sa iyo at sa milyon mong tagasubaybay. Sanay lagi kayong pinapatnubayan ng Diyos at malayo sa sakuna.
Tawagin mo na lang akong Merly. Isa akong tomboy pero hindi ko ipinapahalata dahil ayokong malaman ng aking mga magulang. Ipinagkasundo ako ng aking Tatay sa anak ng kanyang matalik na kaibigan.
Niligawan naman ako ng lalaking ipinagkasundo sa akin at tinatanggap ko siya nang maayos tuwing aakyat ng ligaw. Wala kasi akong choice dahil mga magulang ko ang may gusto.
Sa ngayon ay mayroon akong girlfriend na mahal na mahal ko. Akala sa bahay ay best friend ko lang siya. Inihahanda na ng aking mga magulang ang kasal ko sa lalaking ito na ayaw ko.
Anong gagawin ko?
Merly
Dear Merly,
Hindi ako pabor na ang mga magulang ang siyang magpapasya tungkol sa mapapangasawa ng kanilang anak. Sa maraming pagkakataon, dapat sundin ng anak ang kanyang mga magulang. Pero may mga bagay na ang indibidwal ang dapat masunod at hindi puwedeng diktahan kahit ng kanyang mga magulang.
Pagdating sa pagpili ng magiging asawa, ang magagawa lang ng mga magulang ay magbigay ng payo. Anak pa rin ang huling nagpapasya. Mas mahirap ang kaso mo dahil pusong lalaki ka. Pero just the same, pagdating sa magiging lifetime partner mo, walang pakialam ang iyong mga magulang.
Ang kasal ay panghabambuhay. Kung magpapakasal ka sa lalaking hindi mo gusto, kaligayahan mo ang mapapariwara. Pero isipin mo rin na mali ring makipagrelasyon ang babae sa kapwa babae o lalaki sa kapwa lalaki.
Maligaya ka man ngayon, panandalian lang iyan dahil ang ano mang bagay na materyal ay hindi nagtatagal. Humingi ka ng tulong sa Diyos sa pamamagitan ng taimtim na panalangin para gabayan niya ang iyong landas.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am