^

Dr. Love

‘Labis pa ang ibinigay ng Diyos sa hiningi ko sa Kanya ’ — Ate Lyn

- Ni Rosbero Quinzon -
Noong nakaraang Linggo, tinugon ng Panginoong Jesu-Cristo ang panalangin ko. Humingi kasi ako sa Kanya ng P26,000 para sa mga bayarin ko sa bahay gaya ng kuryente, tubig, monthly dues, telepono, insurance at iba pa.

Bilang isang plain housewife, mataimtimang panalangin ko na ipagkaloob ito ng Panginoong Jesus sa aking asawa dahil siya lamang ang nagtatrabaho sa amin. Alam ko naman kung magkano ang kinikita ng asawa ko at tama lang talaga para sa mga pangangailangan namin sa bawat buwan. Sa akin lamang pananaw, imposible talaga ang hinihingi ko sa Diyos pero sa Kanya lahat ay posible sa taong nananalig sa Kanya.

Iyon nga ang ginawa ng Panginoong Jesu-Cristo nang umuwi ang aking asawa dala-dala ang pera. Una ay P14,000 at sumunod ay P12,000 at nadagdagan pa ito ng P4,000 sa loob lamang ng isang Linggo. Sabi ng asawa ko ay may nagbigay sa kanya ng pamasko.

Kahanga-hanga ang pagkilos ng Diyos sa buhay naming mag-asawa mula nang kami ay sumunod sa Biblia hinggil sa pagbibigay ng aming ikapu at kaloob. Hindi na kami kinukulang pa.

At alam po namin na hindi lamang sa ikapu at sa kaloob kami susunod kundi pati na sa iba pa Niyang mga kautusan, batas, alituntunin at Kanyang mga Salita para maging maganda ang aming buhay.

Purihin ang Panginoong Jesu-Cristo sa Kanyang pag-ibig, katapatan at kabaitan sa amin.

Ate Lyn ng Cainta


(Sa mga nais humingi ng payo, panalangin, pagpapala at iba pa, tumawag lamang sa mga telepono ng CLSF: U-belt, 733-1087; Pandacan, 533-5791/563-2809; Tondo, 251-8243/252-6649; Malabon, 273-8256/270-3836; Q.C., 724-0676; Parañaque, 821-5335; Cainta, 656-7998 at Mandaluyong, 533-5171.)

ALAM

ATE LYN

BIBLIA

CAINTA

DIYOS

KANYA

KANYANG

LINGGO

PANGINOONG JESU-CRISTO

PANGINOONG JESUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with