Tutol ang mga magulang
December 21, 2006 | 12:00am
Dear Dr. Love,
I wonder if you can be of help to my big problem. Just call me Leonie, 27 years of age and still single.
Ang problema ko ay ang aking mga magulang na tutol sa aking kasintahan. Sa tingin ko ay wala silang magugustuhan kahit sino pang lalaki ang iharap ko sa kanila dahil damdam koy ayaw nila akong makawala sa poder nila. Unica hija kasi ako and I grew up very much pampered by them.
Sabi nga ng iba, mabuti at hindi ako lumaking spoiled brat. Nakapagtapos ako ng kolehiyo sa isang exclusive school at lahat ng luho ko tulad ng sariling kotse, magagandang damit at alahas at borloloy sa katawan ay maluwag na provided sa akin ng parents ko.
Gusto na naming magpakasal ng boyfriend ko pero mahigpit na tumututol ang mga magulang ko. Sabi ko sa boyfriend ko, maghintay pa kami ng ilang panahon para ma-convince sila. Galit na ang bf ko at nagbabantang kapag hindi ako nagpakasal sa kanya ay humanap na ako ng iba.
Please help me.
Leonie
Dear Leonie,
Nasa edad ka na at karapatan mong mag-decide sa iyong sarili. Something that I cannot do for you except to say, ano ang importante sa iyo, mga magulang mo o iyong kasintahan?
Kung magpapakasal ka sa boyfriend mo kahit tutol ang mga magulang mo, sasama ang kanilang loob. Pero pansamantala lang iyan. Kapag nagkaapo na sila ay maglulubag din ang damdamin nila. Ang apo ang laging apple of the eye ng mga lolot lola. I should know.
Its up to you to make the crucial decision.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended