Tunay na kaibigan
December 19, 2006 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Bago po ang lahat ay binabati ko kayo sampu ng inyong mga kasamahan sa PSN ng isang magandang-araw.
Ako po ay si Armel Antido, 28 years-old at kasalukuyang nakapiit sa pambansang bilangguan. Sa totoo lang, ako po ay isang biktima ng masamang panahon pero dahil na rin sa mga natutuhan ko sa buhay ay natanggap ko nang maluwag sa kalooban ang mga pangyayaring nagpahirap sa aking buhay.
Totoo po pala ang kasabihan na ang kaibigan ay napapatunayan sa oras ng kagipitan. Mula nang ako ay mapasok dito, lahat ng mga kaibigan ko ay nangawala.
Gusto ko po sana na magkaroon ng mga kaibigan, mga kaibigan na masasandalan ko sa oras ng kagipitan, lungkot at saya.
Hindi po sa pag-aangat ng sariling upuan, isa po akong mabuti at maaasahang kaibigan.
Ako po ngayon ay naghahanap ng isang tunay na kaibigan na puwedeng sandalan sa panahon ng pangangailangan.
Sa pamamagitan po ng inyong column, alam kong matutupad ang panalanging ito.
Hindi po ninyo naitatanong, ang isa sa pinakamahirap na sandali sa tulad kong bilanggo ay ang pagsapit ng gabi. Sa sandali ng katahimikan, ang naiisip ko ay ang mga sandali ng malungkot na bahagi ng aking buhay.
Salamat po sa pagbibigay-daan ninyo sa sulat ko at more power to you.
Umaasa at nagpapasalamat,
Arnel Antido
Student Dorm III,
MSC, Camp Sampaguita,
Muntinlupa City 1776
Dear Armel,
Sa mundong ito, talagang mahirap kang makahanap ng tunay na kaibigan.
Kaya kapag nakatagpo ka ng isang totoong tao na hindi ka iiwanan lalo na sa panahon ng kagipitan, huwag mo na siyang bitiwan.
Inaasahan namin na ipagpapatuloy mo ang tunay na pagbabago at maganda ang naisipan mong ipagpatuloy ang pag-aaral para mayroon kang "sandatang" magagamit sa muling pagsalunga sa buhay pag lumaya ka na.
Inaasahan naming mula sa aming mga mambabasa ay makatagpo ka ng hinahanap mong kaibigan.
Dalangin namin ang maaga mong paglaya.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended