Pagdating ng ikalimang taon, ito ay titingalain ng ibang mga bansa sa buong mundo dahil sa pagbabago mula sa pag-uugali ng mga Filipino, pulitika, ekonomiya, kasaganaan at kapayapaan.
Sabi ni Propeta Bako na ang pagbabago sa Pilipinas ay magsisimula sa mga tunay na anak ng Diyos. Sila ang mag-iimpluwensiya sa lahat ng mga mamamayan saan mang dako.
Nakita rin sa pangitain ni Propeta Bako ang mga kalamidad at mga masasamang kaganapan na paghuhusga ng Diyos dahil na rin sa kasalanan at kasamaan ng mga tao.
Ayon pa kay Propeta Bako, babaguhin ng Diyos ang puso at buhay ng Kanyang tunay na mga anak upang makasunod sila sa mga utos, batas at alituntunin Niya para sa totoong pagbabago sa Pilipinas.
Purihin at sambahin ang Panginoong Jesu-Cristo sa gagawin Niyang pagbabago ng bansa.
(Sa mga nais humingi ng payo, panalangin, pagpapala at iba pa, tumawag lamang sa mga telepono ng CLSF: U-belt, 733-1087; Pandacan, 533-5791/563-2809; Tondo, 251-8243/252-6649; Malabon, 273-8256/270-3836; Q, 724-0676; Parañaque, 821-5335; Cainta, 656-7998 at Mandaluyong, 533-5171.)