^

Dr. Love

Pinagaling ng Panginoong Jesus ang kanser ng asawa ko’ – Bro. Bon

- Ni Rosbero Quinzon -
Isa sa mga itinuturo ng Panginoong Jesu-Cristo sa akin ay kailangang huwag agad dalhin sa doktor kung may sakit ang mahal mo sa buhay. Makinig muna kung ano ang sasabihin Niya.

Ito ay tunay na nangyari sa aking asawa. Ayon sa medical findings ng doktor na sumuri sa aking asawa, siya raw ay may lymph node sa kanyang dibdib mula sa kaliwang kili-kili. Ayon pa sa doktor, ang cancer ay malubha na at ang rekomendasyon niya na mag-undergo ang aking asawa ng chemotherapy para hindi ito kumalat sa kanyang katawan.

"Hindi ako pumayag at iniuwi ko ang aking asawa sa aming tahanan at nanalangin sa Panginoong Jesu-Cristo," sabi ni Bro. Bon.

Ang ginawa ko ay araw-araw ko Siyang pinasasalamatan na dahil sa sugat at latay na tinamo Niya sa kanyang katawan nang Siya’y ipako sa krus, pinagaling Niya ang lahat ng sakit at karamdaman. Pinahiran ko ng lana ang parte ng katawan ng asawa ko kung saan naroroon ang cancer niya. Bini-break at pinawawalang- saysay ko rin ang kapangyarihan ng diyablo o Satanas na siyang nagbibigay ng sakit ng asawa ko.

Mga ilang linggo na ang dumaan, nangusap ang Panginoong Jesu-Cristo sa akin at sinabi Niya na ipa-checkup ko muli ang aking asawa dahil pinagaling na Niya ito.

Dinala ko ang aking asawa kinaumagahan sa doktor subalit wala ito. Bumalik kami sa kinahapunan at ineksamin ng doktor ang aking asawa. Nagulat ito dahil wala nang traces ng kanser sa katawan ng asawa ko. Purihin at sambahin ang Panginoong Jesu-Cristo.

(Sa mga nais humingi ng payo, panalangin, pagpapala at iba pa, tumawag lamang sa mga telepono ng CLSF: U-belt, 733-1087; Pandacan, 533-5791/563-2809; Tondo, 251-8243/252-6649; Malabon, 273-8256/270-3836; Q.C., 724-0676; Parañaque, 821-5335; Cainta, 656-7998 at Mandaluyong, 533-5171.)

AKING

ASAWA

AYON

BINI

BUMALIK

CAINTA

DINALA

ISA

NIYA

PANGINOONG JESU-CRISTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with