Gustong hiwalayan ni misis
November 22, 2006 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Noon, nakokornihan ako sa mga sumusulat sa mga advice columns para humingi ng payo. Hindi ko sukat akalain na kabilang ako sa mga mangangailangan ng tulong ng taong gaya mo.
Tawagin mo na lang akong Delfin at tatlong taon nang may-asawa. Iisa ang aming anak. Mahal ko ang aking asawa at anak. Wala akong inaatupag sa aking pagsisikap sa trabaho kundi ang madulutan sila ng kanilang ikaliligaya.
Pero nagtaka ako dahil kamakailan, kinausap ako ng misis ko at sinabing gusto niyang ipa-annul ang aming kasal. Wala akong alam na pagkukulang. Naging tapat ako sa kanya at ang kinikita ko ay nakalaan lamang para sa pamilya.
Inusisa ko siyang mabuti at di-nagtagal, nagtapat siya sa akin. Hindi raw siya karapat-dapat sa akin dahil taksil siya. Nagkaroon daw siya ng boyfriend noong araw bago kami ikasal at naibigay niya ang kanyang pagkadalaga.
Ang sabi koy nakaraan na yon at ang importante ay ang kasalukuyan at aming future. May isang bagay pa siyang ipinagtapat sa akin. Ang kinikilala kong anak ay hindi raw sa akin.
Napilitan daw siyang magpakasal dahil buntis na siya noon at iniwanan siya ng lalaki. Sa totoo lang, masakit man sa loob koy hindi ko maitakwil ang bata dahil mahal na mahal ko siya. Mahal ko ang aking anak. Sabi koy ituturing kong tunay na anak ang anak niya sa pagkakasala pero ayaw niya akong pakinggan. Sinusumbatan daw siya ng kanyang budhi.
Ayokong mawasak ang aking pamilya. Ano ang gagawin ko?
Delfin
Dear Delfin,
Kausapin mo pa siyang mabuti at ipakitang sinsero kang tanggapin siya pati na ang kanyang anak na itinuturing mong sa iyo.
Sabihin mong pinatatawad mo na siya at ang pag-ibig moy handang magsakripisyo. Naniniwala akong mapaglulubag mo ang kanyang damdamin at lalo ka niyang mamahalin.
Bihira ang lalaking kagaya mo. Binabati kita.
Dr. Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am