^

Dr. Love

17th National Prayer Gathering sa Cuneta Astrodome, Nob. 20-22

TAGUMPAY SA BUHAY - TAGUMPAY SA BUHAY Ni Rosbero Quinzon -
Itataguyod ng Intercessor for the Philippines (IFP) ang 17th National Prayer Gathering na gaganapin sa Cuneta Astrodome simula ngayon, Nob. 20 hanggang Miyerkules, Nob. 22 mula ala-1 ng hapon hanggang alas-9 ng gabi.

Tinatawag itong "Sagip Bansa-A Trumpet Call: Lumuhod, Makinig, Sumunod" na dadaluhan ng libu-libo na ang layunin ay hikayatin ang mga Kristiyano na ipanalangin ang bansang Pilipinas para ito’y maging modelo sa katwiran, kabanalan at katotohanan at upang ang lahat ng mga mamumuno ay maging katulad ng Panginoong Jesu-Cristo sa ugali at buhay. Ang bayad sa registration ay P100.

Inaanyayahan ni Bishop Dan Balais, national chairman ng IFP at senior pastor ng Christ, the Living Stone Fellowship, ang lahat ng mga Kristiyano na dumalo upang makinig sa mga pahayag ng Diyos sa pamamagitan ng mga lingkod Niya.

Sinabi ni Balais na krusiyal ang panahong ito kung kaya kailangang makinig at sumunod ang mga Kristiyano sa mga Salita ng Diyos para pagpalain ang ating bansa.

(Sa mga nais humingi ng payo, panalangin, pagpapala at iba pa, tumawag lamang sa mga telepono ng CLSF: U-belt, 733-1087; Pandacan, 533-5791/563-2809; Tondo, 251-8243/252-6649; Malabon, 273-8256/270-3836; Q.C., 724-0676; Parañaque, 821-5335; Cainta, 656-7998 at Mandaluyong, 533-5171.)

BISHOP DAN BALAIS

CAINTA

CUNETA ASTRODOME

DIYOS

KRISTIYANO

LIVING STONE FELLOWSHIP

NATIONAL PRAYER GATHERING

PANGINOONG JESU-CRISTO

SAGIP BANSA-A TRUMPET CALL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with