Minsan sa buhay ng tao, may mga bagay kang nagawa na pinagsisisihan mo. Tawagin mo na lang akong Emily, 29-anyos.
Nangarap akong makatapos sa kolehiyo noon. Accounting ang kursong gusto ko pero mahirap ang aking pamilya. Squatter lang kami at ang kinikita ng tatay ko sa pagtitinda ng buko sa Malabon ay hindi sapat para itaguyod ang pag-aaral ko. Nakapagtapos ako sa sariling pagpupunyagi.
Dahil sa determinasyong maabot ang aking pangarap, pinasok ko kahit maruming trabaho. Unay nag-GRO ako sa isang kilalang club sa Quezon City. Akala ko puwede kong ingatan ang aking sarili hanggang pa-table-table lang.
Kapag nandoon ka na, napakaraming tukso. Naroroon ang mga mayayamang tao. Negosyante, pulitiko na papainan ka ng pera para ibigay mo ang iyong pagkababae. Bata pa ako noon at sariwa kaya sinamantala ko. Bukod sa nakapag-aaral ako, nagawa kong hanguin sa kahirapan ang aking mga magulang. Mabutit nag-iisa akong anak. Wala akong choice dahil mahirap lang kami. Kung karaniwang trabaho ang papasukin ko, hindi magkakasya ang kinikita ko sa pag-aaral at sustento sa aking mga magulang.
Nang makapagtapos ako at may sapat nang ipon, itinigil ko na rin ang marumi kong trabaho. Nagtayo ako ng negosyo sa perang naipundar ko. Nasa-export-import business ako at nagagamit ko rin ang aking natutuhan bilang accountant kahit hindi na ako nag-board exam.
Marami ang nanliligaw sa akin. Isa sa kanila ang napupusuan ko pero takot ako dahil sa anino ng aking maruming kahapon. Ano ang dapat kong gawin?
Emily
Dear Emily,
Ang nangyari sa iyoy kapit sa patalim. Kahit alam mong mali, pinasok mo para marating ang iyong ambisyon. Pinagsisihan mo na iyan ngayong naabot mo na ang iyong pangarap.
Ang importante ngayoy ang iyong kasalukuyan at hinaharap kaya ibaon mo na sa limot ang nakaraan. Kung sinuman ang nanliligaw sa iyo ngayon na napupusuan mo, naniniwala akong mauunawaan ka niya kung talagang mahal ka niya.
Dr. Love