Binastos nila ang utol ko
November 15, 2006 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Isang mapagpalang araw sa inyo at sa lahat ng mga bumubuo ng inyong malaganap na pahayagang Pilipino Star Ngayon.
Sana po, mailathala ninyo ang kasaysayan ng aking buhay kung bakit ako nakakulong dito sa pambansang piitan.
Sana rin po sa pamamagitan ng column ninyo, magkaroon ako ng mga kaibigan sa panulat para maging inspirasyon ko sa buhay at maibsan ang kalungkutan habang naririto ako sa loob.
Tawagin na lang po ninyo akong Tommy, 22 taong-gulang at kasalukuyang naninilbihan sa sentensiya sa akin dito sa pambansang piitan sa Muntinlupa.
Nakulong po ako sa salang pagpatay na hindi ko naman sinadya at kagustuhan.
Nakita ko po na binabastos ng tatlong lalaki ang kapatid kong babae at mismong sa harapan ko pa nangyari kaya hindi ko napigil ang aking sarili at nasaksak ko ang isa sa kanila.
Sa aking sariling opinyon, itinuturing kong makatarungan ang aking ginawa dahil idinedepensa ko ang aking kapatid na babae.
Pero nakulong ako dahil wala kaming kakayahan para makakuha ng mahusay na abogado.
Marami pong nagsasabi sa aking mga kaibigan na wala akong pagkakasala at itinatanong nila kung bakit ako nakulong.
Sana po, mabigyan ninyo ako ng kaunting panahon para basahin ang liham na ito at mabigyan ng payo.
Maraming salamat po at God bless you.
Tommy Jimenez
Bldg. 2 Dorm 231
Student Dormitory,
MSC, Camp Sampaguita,
Muntinlupa City 1776
Dear Tommy,
Sa paniniwala mo, wala kang kasalanan sa nangyari dahil ang pagpatay ay nagawa mo sa kabiglaanan sa nangyari sa pagnanais na maipagtanggol ang iyong kapatid laban sa tatlong nambastos sa kanya.
Sa ilalim ng batas, mayroon ka pa ring kamalian sa nangyari dahil inilagay mo sa iyong mga kamay ang batas na hindi sana dapat.
Nangyari na ang insidente at sana, napagsisihan mo na rin ang iyong kabiglaanan.
Habang nakakulong ka ipagpatuloy mo ang pag-aaral para may magamit kang kakayahan sa paghahanap ng trabaho sa sandaling lumaya ka na.
Dagdagan mo ng panalangin ang puspusan mong pagsisikap na magbago para magkaroon ka ng pagkakataong mabigyan ng kalayaan sa madaling panahon.
Hangad ng pitak na ito na matamo mo ang inilalayong kapayapaan ng damdamin at pagkakaroon ng maraming kaibigan sa panulat.
Dr Love

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 21, 2025 - 12:00am