^

Dr. Love

Nanalo ang MDG Pasay dahil sa Panginoong Jesus

TAGUMPAY SA BUHAY - TAGUMPAY SA BUHAY Ni Rosbero Quinzon -
Kamakailan lamang, nakatanggap ng award ang Pasay City Cooperative Development Office (CDO) sa pagsugpo ng kahirapan sa naturang lungsod sa pamamagitan ng Millennium Development Goal (MDG).

Ang MDG ay iminumungkahi ng United Nations noong 2000 upang sugpuin ang lumalaganap na kahirapan sa buong mundo at ito’y tinatangkilik ng mga kooperatiba at ibang mga organisasyon sa iba’t ibang mga bansa kasama na ang Pilipinas.

Ayon kay Engr. Rolando Londonio, Pasay City Cooperative Officer, 10 local government units (LGUs) ang pinagkalooban ng award ng Galing Pook, United Nations Development Programme at United Nations Habitat noong Oktubre 16.

Itinatag ang MDG sa pamagitan ng pagsasanay sa mga potential ng pamilya upang mapaglabanan ang kahirapan.

Ito ay nanggaling sa mga itinuturo ng Family For Jesus (F4J) Ministry ng Christ, the Living Stone Fellowship ng Mandaluyong City. Ang ninanais ng F4J ay matupad ang pangitain ng Panginoon na ang strong family ay magresulta sa strong city at hahantong sa strong nation dahil ang pamilya ang siyang pangunahing unit ng lipunan.

Ang mga katuruan na ito ay nakabatay sa Biblia at ang Diyos ang Siyang nagtuturo nito upang ang pamilya ay maging malakas, maayos at masagana. Ito ang kalooban ng Panginoong Jesu-Cristo sa bawat pamilya sa buong mundo, sabi ni Londonio.

"Malaki rin ang aming pasasalamat sa Pasay City Government, United Nations Development Programme at United Nations Habitat dahil sa kanilang partisipasyon upang mapabuti namin ang aming kooperatiba dahil hindi namin matatanggap ang award na ito kung wala sila," dagdaag pa ni Londonio. Kung sino ang gustong gayahin ang ganitong katuruan, maaaring tumawag sa 551-5233 at 533-5171.

(Sa mga nais humingi ng payo, panalangin, pagpapala at iba pa, tumawag lamang sa mga telepono ng CLSF: U-belt, 733-1087; Pandacan, 533-5791/563-2809; Tondo, 251-8243/252-6649; Malabon, 273-8256/270-3836; Q.C., 724-0676; Parañaque, 821-5335; Cainta, 656-7998 at Mandaluyong, 533-5171.)

FAMILY FOR JESUS

GALING POOK

LIVING STONE FELLOWSHIP

LONDONIO

MANDALUYONG CITY

MILLENNIUM DEVELOPMENT GOAL

UNITED NATIONS DEVELOPMENT PROGRAMME

UNITED NATIONS HABITAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->